CHAPTER 18

72.3K 3.3K 619
                                    

SAPHIRA REYN FERRER

   "ANONG pag uusapan natin?" tanong ko kila Aika nang huminto kami sa isang bench. "Medyo bilisan natin, baka kasi ma-late tayo sa klase."

"Ma-late nga ba? O gusto mo lang agad dalawin si Milo?" Nginisihan ako ni Rabbit. "You're too obvious, Saphira."

"Okay naman si Milo, okay lang kahit hindi ko siya dalawin..."

"Sus!" Siniko ako ni Aika. "Anyways, ayun na nga, since officially member kana ng grupo namin. May posibilidad na may mga maghamon sa'tin ng battle."

"Ibig sabihin non, hindi tayo pwedeng tumanggi kung may grupong maghahamon sa'tin at maaprubahan ni Dean." Dagdag ni Agatha.

Napakamot ako sa ulo ko. "Pa'no yan? Hindi naman ako marunong lumaban?"

"Tuturuan ka namin," nakangiting sabi ni Fiona. "Don't worry, Saphira, napunta ka sa kamay ng tamang grupo."

"Salamat," tanging naisambit ko.

Hindi nagtagal ang aming pag uusap, at napagpasyahan na naming magtungo sa aming kaniya kaniyang classroom. Sa second floor naka-room sila Aika, kaya ako lang mag isa ang naglalakad patungo sa classroom namin.

Habang naglalakad ako ay biglang tumunog ang cellphone ko. Napahinto ako at agad tiningnan kung sino ang tumatawag.

Mommy calling......

Agad kong sinagot ang tawag. "Mommy! Napatawag ka po?"

"Gusto lang namin marinig ng Daddy mo ang boses mo," tugon nito. "Kumusta ka naman?"

"Ayos na ayos po." Pumwesto ako sa gilid para hindi ako tamaan ng araw. "Alam niyo po? Bati na kami nila Kuya ko, mabait po sila sa'kin, lalo na po si Kuya Sebastian."

"Masaya kami, para sa'yo.." Narinig ko ang paghikbi nito na ikinataka ko. "Siguradong aalagaan ka nila nang mabuti."

"Mommy? Bakit ka po umiiyak?" alalang tanong ko. "Bakit po? May nangyari po ba?"

"Masaya lang ang Anak mo." Si Daddy ang sumagot. "Masaya kaming magkaka-ayos na kayo. Hindi na kami mag aalala sa'yo kapag nawala kami–"

"–Daddy! Wag mo pong sabihin 'yan!" naiiyak na sabi ko. "Hindi po kayo mawawala."

"Mahal na mahal ka namin, Saphira..." Dinig kona rin ang hikbi ni Daddy. "Sige na, Anak, magpapahinga na kami. Laban ka lang lagi ah?"

"Laban din po kayo, mahal ko kayo.."

Wala nang tumugon. Napatingin ako sa cellphone ko na nakapatay na ang tawag.

Bakit parang may masamang mangyayari sa kanil–Hindi, wag kang nega, Saphira. Kapag sila ang nag-promise, lagi nilang tinutupad.

Napatango ako at huminga nang malalim. Tinuon ko ang isip ko sa magandang bagay kahit pa ang sinasabi nito ay may hindi magandang nangyari.

Nang makarating ako sa classroom ay palabas na ang mga estudyante. Mukhang tapos na ang klase.

"Kuya.." Agad kong nilapitan si Kuya nang makita ito sa labas. "Kuya, pwede ba akong lumabas ngayon? Kailangan kong lumabas."

School of Mafias [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon