CHAPTER 4

92.9K 3.6K 1.8K
                                    

SAPHIRA REYN FERRER

     NAGISING ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Inilibot ko ang paningin ko at napagtanto kong nasa kwarto pa rin ako ni Kuya Sebastian.

"Hala! First day of school pala!" Napabalikwas ako ng bangon. Ngunit halos mangilid ang luha ko nang kumirot ang balikat ko.

May sugat pala ako.

Maingat akong tumayo at sapo akong balikat kong lumabas ng kuwarto ni Kuya Sebastian.

"Maglinis kana ng katawan mo." Napatalon ako sa gulat nang biglang may nagsalita. Lumingon ako sa gilid ng kuwarto at bumungad sa'kin si Kuya Sebastian. Naka-cross arm ito at nakasandal sa pader. " Ano? Titingnan mo lang ba ako? Malapit ka ng ma-late."

Kumurap kurap. "Ah, tamaa. May pasok ako, hehe."

Lalakad na sana ako pero natigilan ako nang hawakan nito ang kamay ko. "Saan ka pupunta?"

"Malilig--"

"---Stupid, doon ka maglinis ng katawan sa CR sa kwarto ko, dahil sira ang lock nang pinto ng CR dito sa labas." Saad niya at binitawan ako.

Tumango naman ako. "Sige.."

Pumasok na muli ako sa kuwarto niya at dumiretso sa banyo. Maingat ko hinubad ang mga damit ko at nagsimulang maglinis ng katawan.

Nang matapos akong maglinis ay nagtapis ako ng tuwalya at saka lumabas.

Nadatnan ko si Kuya Sebastian na nakaupo sa kama at may hawak na first aid kit.

"Lilinisin ko muna ang sugat mo, kailangang laging malinis 'yan at baka ma-infection."

Agad naman akong lumapit doon atsaka umupo sa kama. Inumpisahan na nitong linisin ang sugat ko, medyo masakit, pero hindi na kagaya nung kagabi. Ramdam ko din ang banayad na paggamot ni Kuya Sebastian.

Ilang sandali lang ay natapos na siya. Iniligpit nito ang first aid kit at tumayo.

"Magbihis kana." Itinuro nito ang isang upuan. May nakasabit doong uniform. "Ayun ang uniform mo."

"Salamat, Kuya."

Tumango lamang ito at lumabas ng kuwarto. Nilapitan ko naman yung uniform ko at sinimulan ng isuot... Okay naman ang uniform nila, kaso medyo maikli lang yung palda.

Lumapit ako sa isang body mirror at pinagmasdan ang sarili ko... Bagay naman sa'kin, parang japan.

Napatigil ako sa pagngiti at pag-papacute sa salamin nang may mapagtanto ako.

"Ano kayang nangyari kay Kuya Seb? Bakit ang bait niya?" Napahawak ako sa baba ko na tila nag iisip.

'Kapag naman masungit siya, nalulungkot ka' kontra ng isip ko.

"SAPHIRA! KINAIN KANA BA NG KWARTO KO!" Sigaw ni Kuya mula sa labas na ikinaigtad ko.

Nagmamadali naman akong kumilos. Dinampot kona lamang yung bagpack na nasa kama, pambabae kasi kaya in-assume kong akin.

School of Mafias [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon