CHAPTER 31

62.3K 3.3K 144
                                    

SAPHIRA REYN FERRER

       ANAK siya ni dean, kaya pala may kaunting resemblance ang itsura niya dito.

"Posibleng sundan ka niya sa M.U," sabi ni Aika.

"Hindi yun," sagot ko. "Delikado sa M.U, walang magulang na gugustuhing mapahamak ang anak niya."

"You're not sure about that," nakangising sabi ni Milo.

Inirapan ko lang siya na ikinaungos nito. Wala na ulit nagsalita hanggang sa matapos kami sa pagkain. Nagpahinga kami saglit bago namin napagpasyahan na magtungo sa arcade.

Nag-agaw-agawan ang mga ito sa laruang baril, kaya ang ending nasira nila.

"Milo, bayaran mo." sabi sa kaniya ni Reyver.

"Kayo ang nakasira, bahala kayo diyan!" masungit na sabi nito.

Halata naman na kaya nilang bayaran kaya bago pa sila magmakaawa sa'kin. Agad na akong umalis sa gawi nila.

Bumili ako ng token at naglaro doon sa basketball mag isa. Para akong batang tuwang tuwa dahil nalalampasan ko yung high score.

"You're good at playing basketball," alam kong si Milo ang nagsalita pero hindi ko siya nilingon. "You want to play with me."

"Bakit hindi ka makipaglaro kay Megan?" hindi ko naitago ang pagiging sarkastika sa boses ko.

"You're jealous," hindi patanong ang pagkakasabi niya. Bakas sa boses nito ang kasiguraduhan. "You're jealous."

"Doon ka nga!" Inis kong binato sa kaniya ang bola na sinalo lang naman niya. "Nanggugulo ka, nananahimik ako dito!"

Natawa ito. "Stop shouting, Saphira."

Tumingin ako sa paligid, bigla akong nahiya nang makitang nakatingin sa'min ang mga tao sa paligid.

"Init ng ulo." Lumapit sa'kin si Milo. "Wag ka nang magselos, ikaw lang naman ang mahal ko."

Parang may mga kabayong nag-uunahan sa puso ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito.

"H-heh!" Tinulak ko siya.

Nilayasan ko siya at nagtungo sa gawi ng tatlo kong Kuya na nakaupo lang habang nanonood sa mga naglalaro.

"You're blushing," sambit ni Kuya Stefan.

"Hindi ah," tanggi ko. "Bakit pala hindi kayo naglalaro?"

"We're not a kid," masungit na sagot ni Kuya Sawyer.

Napangisi ako at hinila silang tatlo. "Laro tayo doon, yung sumasayaw."

"No!" tanggi ng mga ito.

"Matatanggihan niyo ba ang maganda niyong kapatid?" pang uuto ko sa kanila.

"You're not even beautiful," masungit na sabi ni Kuya Sebastian at naghulog ng token sa machine.

Napapalakpak naman ako nang pumwesto silang tatlo. Pumwesto na rin ako sa gitna. Sabay sabay kaming sumayaw at ginaya yung nasa screen na moves.

School of Mafias [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon