CHAPTER 47

57.1K 3.1K 570
                                    

WARNING: MAY MANGYAYARING VIOLENCE DITO.
*********

SAPHIRA REYN FERRER

BANGAG ako nang magising ako, masyado ko kasing inisip sila Kevin at Rabbit kaya halos wala rin akong tulog. Ilang beses nga rin akong nasabunutan ni Megan dahil kislot ako nang kislot.

"Because of you I have eyebags na!" inis na singhal sa'kin ni Megan. "Kislot ka nang kislot kagabi para kang kinikiliti!"

"May iniisip lang," sagot ko. "Ang laki nga rin ng eyebags ko eh, mukha akong panda."

"Ano ba kasing iniisip mo?" usisa nito. "Si Milo ba?"

Umiling ako. "Basta, akin na lang yun."

Lumabas ako ng kuwarto at kaagad kong nadatnan yung limang lalaki na nakaupo sa sofa at nakatitig sa isang box na nasa center table.

"Anong meron?" takang tanong ko.

"Iniisip namin kung anong laman nung box," sagot ni Reyver at tumingin sa'kin. "Anong nangyari sa mukha mo? Ang laki ng eyebags mo."

"Hehe," tanging nasabi ko at kinuha yung box.

"Baka bomba yan!" sabi ni Brick at mabilis na nagtakip ng mata. "Ayokong matusta niyan!"

Inalog alog ko yung kahon at wala namang kahina hinala. Binuksan ko iyon at tumambad sa'kin ang isang litrato na hindi ko inaasahan. Naibagsak kona lang ang kahon at tulalang napatingin sa larawang nakuha ko.

"Ano yan?" Tumayo si Shadow at lumapit sa'kin. "Putangina!"

Tumayo na rin yung tatlo at lumapit sa'kin. Inagaw ni Reyver ang picture sa kamay ko at nakita ko agad ang pagbabago ng ekspresyon niya.

"TANG INA!" galit nitong sigaw at kinuha yung box. "TANG INA MO, KEVIN!"

Mabilis itong tumakbo palabas ng dorm. Kaagad naman itong sinundan nila Milo.

Kinuha ko ulit yung picture at tinitigang mabuti. Hindi iyon edit, totoo talaga na ang nasa litrato ay si Kevin at Rabbit. Natutulog ang dalawa at parehong kumot ang nakatapis sa katawan.

"Badtrip naman!" inis kong sabi at sinundan sila.

****************

RABBIT ICELER

MASAKIT ang katawan ko nang magising ako. Sumariwa kaagad sa'kin ang mga nangyari kagabi kaya kusa na lamang akong napahagulgol. Tang ina! Anong gagawin ko?

"I'm sorry..." Napalingon ako sa lalaking nasa gilid ko. "Hindi ko na-kontrol ang sarili ko. I'm so sorry.."

"Sinubukan mo akong iligtas sa ganitong sitwasyon pero lumandi yung drugs," hikbi ko. "Anong gagawin natin? Ginamit mo naman yung condom na ibinigay ko diba?"

"N-no.." Mas lalo akong napaiyak dahil sa isinagot nito. "Pero walang mabubuo dahil binulungan ko yung sperm ko. Wag ka nang umiyak."

Hinila ako nito at niyakap. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung may biglang mabuo. Paano ko sasabihin kay Kuya Reyver ang mga nangyari? Siguradong mapapatay ako nun.

School of Mafias [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon