CHAPTER 60

52.9K 2.4K 519
                                    

SAPHIRA REYN FERRER


        NAPAHINGA na lang ako nang malalim habang nakatanaw sa ibaba ng dorm building nila Rabbit. Hinihintay ko sila Rabbit para sabay sabay na kaming pumunta sa Gym.

"Tara na," sabi ni Aika, na kalalabas lang. Ganoon pa rin ang emosyon ng mukha ni Aika. Sigurado na akong may ginawa sa kaniya si Kuya Sawyer.

Nabalik lang ako sa ulirat nang hawakan ni Rabbit ang kamay ko. Kahit nakasuot siya ng jacket, ang lamig pa rin ng kamay niya.

"Okay lang yan," mahinahong sabi ko sa kaniya.

Naglakad kaming tatlo papuntang GYM.

"Saphira, natatakot ako," bulong sa'kin ni Rabbit at mas lalong hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

"Magiging maayos lang ang lahat," sagot ko sa kaniya. "Hindi ko hahayaang may mangyari sa'yo."

Tumango lang ito kahit halata pa rin ang pag aalangan sa kaniyang mukha.

Nang makapasok kami sa GYM ay agad hinanap ng mga mata ko sila Kuya Sebastian. Nang makita namin sila ay agad kaming naglakad palapit doon.

Dumako ang tingin ko kay Milo at parang kinurot ang puso ko nang makitang malamig ang titig nito sa'kin. Yung titig niya sa'kin ngayon, ganoon ang titig niya sa'kin noong una naming pagkikita.

Napahinga na lang ako nang malalim at naupo sa unahan. Katabi ko si Rabbit at sa kabilang side ko naman ay si Reyver.

"May nangyari ba?" tanong ni Reyver. "Pagdating dito ni Milo halatang badtrip. Parang bumalik siya sa dati."

"Wala naman," sagot kona lang at umayos ng upo.

Maya maya lamang ay natanaw kona si Dean sa harapan. Malawak ang ngiti nito na para bang may inihanda siyang malaking pasabog.

"Good day, M.U Students," nakangiting bati nito. "Today, we have special guest. Alam kong free day natin ngayon pero ayokong sayangin ang pagkakataon na ito. Gusto kong makilala niyo ang isa sa pinakamalakas na Mafia Leader ngayong henerasyon." Tumingin ito sa kaniyang likuran. Nakita ko ang isang matandang lalaking pakiramdam ko ay nakita kona noon. "Mr. Kiego Lacoste.."

Humakbang paharap ang tinatawag niyang Kiego. Tinitigan ko itong mabuti para alamin kung saan ko siya nakita pero sumakit lang ang ulo ko.

"Saphira.." Nabalik lamang ako sa ulirat nang hawakan ni Rabbit ang kamay ko.

"Wag kang matakot," mahinang sabi ko at nginitian siya. "Magiging maayos lang ang lahat. Walang mananakit sa'yo."

"It's nice to be back here," malalim ang boses na sabi ni Kiego. "Marami akong nakikitang bagong mukha. Mukhang maraming bagong salta sa paaralang ito."

"Kabaliwan lang 'to," dinig kong sabi ni Reyver. "Ang dami pang paandar ni gago. Hindi na lang sabihin kung bakit siya nandito."

"Alam kong gulantang kayo sa biglaang pagbisita ko," sabi ni Kiego. "May mahalagang balita lang ang nakarating sa'kin. Kung saan.." Gumawi ang tingin nito kay Kevin. "Involved ang kaisa isa kong Anak na lalaki."

"Just tell us what do you need," malamig na sabi ni Kevin. "This is fvcking nonsense."

Humalakhak si Kiego. "Ganiyan mona ako kausapin? Baka nakakalimutan mo kung anong kaya kong gawin?"

"Alam na alam ko kung anong mga kaya mong gawin. You even stole my mother's life," sabi ni Kevin at pagak na natawa.

"Hmm? I'm here to stole your child's life too," sabi ni Kiego kaya natigilan ang lahat. Humigpit lalo ang hawak sa'kin ni Rabbit. "You impregnated someone here, right?"

"Babaero ka talaga, Kevin," sabi ni Miguel at hinampas ang likod nito.

"How can you sure about that?" tanong ni Kevin.

"Why don't we ask, Ms. Wang?" Anak ng tupa! Si Krystal na naman?

"Well, it's true," nakangising sabi ni Krystal at tumayo. "May nabuntis kang babae at isa iyon sa mga kasama mong nakaupo."

"No way.." bulalas ni Reyver na, na kay Rabbit na ang tingin. "Rabbit, you're not pregnant, right?"

Nagsimula nang umiyak si Rabbit. "S-sorry.."

"Putang ina!" Tumayo si Reyver at hinila ang kwelyo ni Kevin. "Kevin!"

Nakaisang sapak si Reyver bago siya awatin nila Kuya Sebastian. Mukhang gusto rin nilang katayin si Kevin ngayon.

"It's true," sabi ni Aika. "Rabbit is pregnant. Alam ni Saphira ang bagay na yun.."

Napakagat labi ako nang dumako ang tingin nila sa'kin. "Buntis si Rabbit. Sorry kung hindi ko sinabi, ayaw ipasabi ni Rabbit."

"Anong nangyari ngayon? Ede nagkagulo!" galit na sabi ni Reyver. "Tang ina, sana naman sinabi niyo sa'kin dahil sa'ting lahat. Ako ang may mas karapatan kay Rabbit!"

"Saphira, dapat sinabi mo sa'min," sabi ni Kuya Sebastian. "Sa tingin mo ba kaya mong protektahan si Rabbit ng ikaw lang? Wala ka pang kayang gawin ngayon."

Napayuko ako. "Sorry.."

"Wag niyong sisihin si Saphira," sabi ni Rabbit at yumakap sa'kin. "Ako ang may gustong ilihim ang lahat sa inyo dahil natatakot ako sa mga pwedeng mangyari. Wala namang may kasalanan nito kundi si Marcelo, eh."

"TANG INA!" galit na sigaw ni Reyver at dinuro si Marcelo. "Ano bang trip mo sa buhay na matanda ka!? Siguro hindi ka mahal ng mama mo kaya ganiya ka."

Ngumisi lang si Marcelo at nagkibit balikat. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko at mabilis kong hinubad ang tsinelas ko tsaka binato sa mukha ni Marcelo.

Sapul!

Natigilan ang lahat sa ginawa ko at napatingin sa'kin.

"Nakakainis kasi," sabi ko. "Hindi ko alam kung anong mga pakulo mo. Bakit palagi na lang kami ang puntirya mo? Siguro natatakot kang mag aklas kami laban sa'yo dahil kayang kaya ka naming pabagsakin.." Ngumisi ako. "Wag kang mag alala, hindi pa namin gagawin yun."

"Matapang ka, ah?" Dumukot ito ng baril at itinutok sa'kin. "Paano kung ngayon ko kuhanin ang buhay mo?"

"Ede wow," sagot ko lang.

Maglalakad sana ito palapit sa'kin kaya lang natigilan siya–kami nang may bumagsak mula sa taas.

Nanginig ang katawan ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang duguang bangkay ng babaeng nakahandusay ngayon sa gitna ng Gym.

"I-It's Mom.."

School of Mafias [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon