CHAPTER 39

60.2K 2.9K 376
                                    

SAPHIRA REYN FERRER

AGAD KONG inabot yung mga binili ko kila Aika na agad naman nilang kinain kahit pa na mayroon ng teacher. Hindi pumasok sila Milo at Kuya Sawyer, umalis din ang mga ito pagkatapos akong ihatid.

"Napano ang labi mo?" kunot noong tanong ni Aika.

"Ubusin niyo na yan," tanging sambit ko.

Nangalumbaba lamang ako habang nakatingin sa bintana. Hindi ako nakinig dahil wala naman akong ma-gets sa mga itinuturo.

Nang matapos ang klase ay agad na akong inaya nila Aika, patungong training field. Walang gaanong tao doon at mula sa malayo ay natanaw kona sila Kuya Sebastian.

"Nabalitaan ko ang nangyari," salitang binitawan ni Kuya Sebastian nang makalapit kami. Sinuri pa nito ang mukha ko. "He hurt you.."

"Pabayaan na lang natin, dumating naman sila Milo at Kuya Sawyer para tulungan ako." Maliit ko siyang nginitian.

"Umpisahan na natin," sabad ni Aika. "Inaantok na kasi ako."

Nagsimulang pumwesto si Aika kaya ginaya ko siya. Sumugod ito sa'kin kaya mabilis kong ginamit yung self defense na itinuro niya sa'kin. Hinawakan ko ang paa niya at malakas siyang ibinalibag.

Napatakip na lang ako sa bibig ko nang tumalsik siya sa labas ng ring. Napalakas ang pagkakabalibag ko sa kaniya. Natatarantang bumaba naman ako sa ring at nilapitan siya.

"Sorry." Tinulungan ko siyang makatayo.

"T-training lang 'to," naiiyak na sabi niya habang sapo ang balakang. "Saphira, hindi ako kalaban!"

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at inalalayan siya sa paglalakad. Inupo ko siya sa isang upuan at alanganing pinagmasdan, may mga sugat siya sa katawan.

"Nabali ata ang tadyang ko," dinig kong bulong nito. "Gawin ba naman akong flying saucer."

"Ang galing mo!" Pumalakpak si Theo. "Saphira, goal!"

"Tadyakan kaya kita!?" Inis na sabi sa kaniya ni Aika.

Ngumuso lang si Theo at nagtago sa likuran ng kaniyang kakambal.

"Let me check her," sabi ni Lucio.

Nilapitan nito si Aika at sinuri ang tagiliran nito. Sinuri din ng binata ang mga galos nito sa katawan.

"Nabugbog lang ang katawan niya," sabi nito. "She's fine, hindi nga lang maayos na makakakilos ng mga ilang araw."

"Saphira, grabe ka naman kasi kay Aika." Naupo si Eiren sa tabi ng kapatid. "Naging tuluyang lola na tuloy ang kapatid k-aray!" Sinakal siya ni Aika.

Natawa na lang ako sa dalawa, ngunit agad napawi ang tawa ko nang dumako ang tingin ko kay Kevin. Nakatingin ito sa'kin at seryosong seryoso lang ang mukha niya.

"Can we talk?" Natahimik ang lahat nang magsalita si Kevin. "Saphira-"

"-You have no right to talk to her," malamig na sabi sa kaniya ni Milo.

"I want to say sorry," napahinga nang malalim si Kevin. "Sobrang mali ng ginawa ko sa'yo at sobrang humihingi ako ng patawad. I'm so sorry, Saphira. Sorry kung nabastos kita."

School of Mafias [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon