CHAPTER 34

60.5K 3.1K 547
                                    

SAPHIRA REYN FERRER

    NAKATINGIN lang ako kay Milo na walang emosyon ang mukha habang tahimik na nakaupo sa tabi ni Kuya Sebastian. Kahapon niya pa ako hindi pinapansin, magmula noong makita niya kami ni Eiren. Sinubukan ko siyang kausapin pero ayaw niya akong pansinin.

"Anong problema ni Milo everyday?" tanong ni Aika. "Inaway mo ba?"

Umiling ako. "Kahapon pa siya ganiyan, nakita niya lang kaming magkausap ni Eiren."

"Eh, kaya." sabi ni Aika. "Iba talaga magselos yan."

"Selos?" tumango ito. "Bakit naman siya magseselos? Wala naman kaming ginagawang masama ni Eiren."

"Kapag ang isang tao ay gusto ko at nakita kang may kasamang iba, magiging sarado na ang isip niyan. May iisipin kaagad 'yang ikaseselos niya," sabi nito. "Mabuti pa kausapin mo siya ng masinsinan. Hindi naman pwedeng sa kaniya lang iikot ang mundo mo."

"Sige, kakausapin ko siya mamaya."

Hindi na kami nakapag usap pa ni Aika dahil dumating na ang guro namin. Hindi ako nakinig sa itinuturo nitong puro patayan dahil ang buong atensiyon ko ay na kay Milo.

Nang mag-break time ay agad akong tumayo. Lalapitan kona sana siya pero agad itong lumabas. Sinundan ko naman siya, hindi ko nga lang naabutan dahil hindi ako makadaan.

Nang makaraan naman ako ay nawala na ito sa paningin ko. Napakamot na lang ako sa ulo ko at nagsimula siyang hanapin.

Pumunta ako sa cafe pero wala siya doon, sunod akong pumunta sa rooftop pero ang naglalandiang sila Miguel at Shadow lang ang nadatnan ko doon.

"Nakita niyo si Milo?" tanong ko.

"Nakita ko kanina papunta sa dorm," sagot ni Shadow.

Tumango lang ako at naglakad na ulit pababa. Nakakaisang palapag pa lang ako ay natigilan na ako sa paglalakad nang may sumulpot na mga babae at lalaki. Green at orange ang kulay ng mga buhok nila.

Akmang dadaan na ako kaya lang humarang yung lalaking kulay orange ang buhok.

"Makikiraan," sabi ko.

"Sandali lang," hinawakan nito ang braso ko. "Makipaglaro ka muna sa'min."

"Ano ba!" inis kong sabi at itinulak siya. "Ayoko ng gulo, okay? Padaanin niyo na ako."

Nagtawanan sila. "Matapang pala 'to eh."

Malakas akong sinampal ng isang babae. Napayukom naman ako ng kamao at galit siyang tiningnan. Tinaas ko ang isang palad ko at pinadapo sa mukha nung sumampal sa'kin. Gulat ang bumakas sa mga mukha nila dahil sa ginawa ko.

"Umalis na kayo bago ko pa kayo masaktan," malamig kong sabi.

"Matapang ka talaga ah!" Napaigik ako nang sikmuraan ako ng lalaking green ang buhok. "Ano? Lumaban ka!"

May sumipa sa likod ko kaya napahiga ako sa lapag. Mabuti na lamang ay malayo ako sa hagdan kaya hindi ako nahulog.

"S-susumbong ko kaya sa Kuya ko," naiiyak kong sabi. Ang sakit kaya! "Siguradong papatayin nila kayo."

School of Mafias [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon