CHAPTER 33

59.9K 3K 374
                                    

SAPHIRA REYN FERRER


      "SORRY kung itinago namin," sabi ni Miguel na hawak ang kamay ni Shadow. "Gusto sana naming sabihin kaso natatakot kami at nag aalala. Some of you was victims of gay harassment."

"Matagal na rin naming alam," sabi ni Eiren. "Hinihintay na lang namin na kayo ang mag open up."

"Pa'no niyo nalaman?" mahinang tanong ni Shadow.

"Nahuli ko kayo sa rooftop," si Lucio ang sumagot. "Tang ina, para akong hihimatayin nung araw na yun. Bakit kasi doon pa? Buti na lang ako ang nakakita."

"Rooftop is our favorite spot," nakangising sabi ni Miguel at hinalikan ang kamay ni Shadow.

"Tang ina!"

"Doon nga kayo!"

"Pangit niyo kabonding!"

Natawa na lang ako sa reklamo ng iba. Masaya ako para kay Shadow at Miguel, pwede na silang maging bulgar. Hindi man sang ayon sa kanila ang ibang tao, ang mahalaga ay mayroon silang 'kami'

"Pero mag iingat na kayo," seryosong sabi ni Kuya Sawyer. "Magiging mainit ang mata sa inyo ng lahat, at siguradong damay ang grupo niyo."

"I don't care, they can't stop our love." sabi ni Shadow.

"Sana lahat pinaglaban," sabi ni Agatha at nailing. "Yung isa kasi diyan hindi na nga ako pinaglaban, pinaglaruan pa."

Mahina naman akong napa 'oh' at pasimpleng nilingon si Brick na nakasimangot.

"Balikan mo ako, ipararanas ko sa'yo kung paano ipaglaban." banat ni Brick. "Uwi kana baby, wag ka nang magalit."

"Baby mo mukha mo!" Binato siya ng sapatos ni Agatha, at tumama ito sa mukha niya.

Napatawa naman kami, ngunit agad rin kaming napatigil nang bumukas ang pinto at iluwal si Megan.

Napaigting na lang ang panga ko at naiyukom ang aking kamao. Gusto ko siyang sapakin, gusto ko siyang saksakin, gusto ko siyang balatan ng buhay–enough, you're too brutal, Saphira.

"Kapal ng mukha," sabi ni Aika. "Lakas ng loob mong magpakita dito ah? Ano? Hindi kapa ba kuntento sa ginawa mo?"

"H-hindi ako ang may gawa," matigas ang awra niya pero hindi nakatakas sa paningin ko ang panggigilid ng luha niya. "Wala akong alam na gagawin iyon ni Krystal."

"Sa tingin mo may maniniwala sa'yo!?" Tinulak siya ni Aika. "Kahit kailan manggagamit ka! Wala kang alam gawin kundi sirain kami!"

"WALA AKONG ALAM!" bumangis ang itsura ni Megan. "Ano? Bakit ang laki ng galit mo sa'kin!? Makapagsalita ka parang wala kang tinatagong baho, ah?"

"Anong gusto mong palabasin!?" Bago pa mag-pang-abot ang dalawa ay agad na silang inawat.

"Umalis ka," malamig na sabi ni Kuya Sebastian at binalingan ng tingin si Megan. "Umalis ka bago ko pa maitama sa mukha mo ang kamao ko."

"Sige, aalis ako!" Tumalikod si Megan. "Oo tinalikuran ko kayo, pero ni-minsan ay hindi ako gumawa ng ikapapahamak niyo."

Dire diretso itong lumabas ng dorm. Napahinga na lang ako nang malalim at napahilot sa sintido ko.

School of Mafias [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon