CHAPTER 40

62.1K 3K 539
                                    

SAPHIRA REYN FERRER

    NANDITO kami ulit sa gymnasium dahil ngayong araw na daw i-aannounce ng dean kung kailan magaganap ang acquaintance at kung anong magaganap dito.

"Ano bang mayroon sa acquaintance?" curious kong tanong. "Syempre, hindi naman simpleng dance dance lang yun kasi hindi naman normal ang school na ito."

"Sa acquaintance kasi may mga pakulo si dean," sagot ni Fiona. "Kagaya nung nakaraan, inutusan lang naman niya ang mga estudyante na magsaksakan."

Napaawang na lang bibig ko sa sinabi nito. "Ginawa niya yun!?"

"Hmm," tumango si Aika. "Ngayong taon, sigurado akong tayo ang pupuntiryahin niya. Siguradong may pinaplano yan laban sa'tin, lalo na sa tatlong grupo."

Napatango naman ako itinatak sa aking isipan ang sinabi niya.

"Good day students!" Nabaling ang tingin namin sa harapan nang magsalita si dean. "I know all of you are excited to our acquaintance party, especially the newbie. Well, I want to announce that our acquaintance party will start next week."

"Bakit ang bilis?"

"Ano naman ang sunod na mangyayari?"

"Siguradong malaking pasabog ang magaganap."

"Don't worry, killing is not allowed to our acquaintance." sabi ni dean. "Pero may mangyayaring lubos na ikatutuwa ko at nang iba sa inyo. Maiiba rin ang mga rankings natin, and sad to say that blue, red, and black mafia are no longer part of highest ranks."

Nagsinghapan naman ang lahat at may iba pang mga natuwa dahil sa balita. Napalingon naman ako sa tatlong grupo pero parang balewala lang sa mga ito ang naibalita ni dean.

"May mga damit kaming ipadadala sa inyo bukas, iyon ang susuotin niyo sa magaganap na acquaintance." Ngumiti si dean. "That's all, my dear students. You may now proceed to your classes."

Um-exit na sa likuran si dean, yung mga estudyante naman ay isa isa nang nagsilabasan.

"Gays doesn't deserve highest rank," dinig kong sabi ng lalaki sa likuran namin na may puting buhok.

Nagpantig ang tainga ko bigla at mabilis na hinila ang kwelyo niya. Kahit wala siyang sabihing pangalan, alam kong si Shadow at Miguel ang tinutukoy niya.

"Mas lalaki pa sa'yo ang mga kaibigan ko kaya wag na wag mong iinsultuhin ang pagkatao nila," madiin kong sabi. "Alam niyo namang lahat na kahit hindi na sila ng part ng highest rank, hindi niyo pa rin sila mapapantayan. We don't need your fvcking opinion, just shut your mouth!"

May humila sa'kin kaya agad akong napalayo sa lalaki. Sinubukan ko pang sipain ito, hindi nga lang umabot ang biyas ko.

"Hmm? maybe they are gays, but at least the don't fvck their own relatives right?" Malamig silang nginitian ni Kuya Sawyer.

Mukhang natakot naman yung mga lalaki at agad na tumakbo paalis. Bumaling naman ang tingin ni Kuya Sawyer at sinamaan ako ng tingin.

"Nagmamana kana kay Sebastian ng pagiging mainitin ang ulo," sabi nito. "Kumalma ka rin minsan!"

Napanguso lang ako at tumango. Pansin ko rin lately na nagiging mainitin na rin ang ulo ko at masyado na akong protective sa mga kaibigan ko. Nakakahawa pala ang kasamaan?

"Ferrer yan, natural nananalaytay rin sa dugo niyan ang kasamaan niyo." Iiling iling na sabi ni Aika.

"Mabait kaya ako," sabi ko.

"Did you heard something?" tanong ni Kuya Stefan, kay Kuya Sawyer. "Someone talking nonsense."

"Yeah, you're right." Sagot naman ni Kuya Sawyer.

"I think, there's a bad spirit here." Dagdag ni Kuya Sebastian.

Sinamaan ko lang ng tingin ang tatlo kong kapatid na naglalakad palayo sa'kin. Kapag ganitong pang aasar sa'kin ay nagkakasundo silang tatlo.

"Kung ako sa'yo papalitan ko mga kapatid ko," sabi ni Agatha at inakbayan ako.

"Wala naman ako maipapalit," sagot ko.

Naglakad na kami papasok ng classroom namin. Nakaupo na yung tatlo kong Kuya na animo'y mahal na mahal ang isa't isa.

"Paano kung may mangyaring masama sa'tin sa acquaintance?" tanong ko. "What if may plano si dean? What if lasunin niya tayo?"

"As if naman mamamatay tayo," sabi ni Aika. "Ang mga masasamang damo matagal nabubuhay sa mundo."

"Kaya pala kahit nasagasaan na si Mark noon, buhay pa rin siya hanggang ngayon." mahinang sabi ko.

Nasagasaan kasi si Mark noon, sunod nang sunod sa'kin kaya sa sobrang inis ko ay dumaan ako sa highway. Sumunod naman ang tanga, ayun nabundol ng kotse. Akala ko mamamatay na siya noon, pero nakangiti pa siya.

"Hindi damo yun, diyablo." sabi ni Rabbit.

"Oo nga pala," napaayos ako ng upo. "Alam niyo ba kung bakit magkagalit si Milo at Neo?"

Tumaas ang isang kilay ni Fiona. "At bakit ka interesado?"

Umiling ako. "Naitanong ko lang. Kahapon kasi, tinulungan ako ni Neo na makatakas kay Mark."

"Si Milo lang ang makakasagot sa tanong mo," seryosong sabi ni Aika. "We have limitation when it comes to private life of each other. Hindi kami pwedeng maglapag ng mga bagay na walang permiso."

Napatango ako. "Okay, sorry.."

"Paano kung dumating si Kiego sa party?" Napalingon kami kay Rabbit, bakas sa mukha nito ang takot. "Sana wag."

"Kiego?" takang tanong ko. "Sino naman si Kiego?"

"Kiego Lacoste.." Kiego Lacoste? Kamag anak ni Kevin? "He's one of the most powerful mafia in the world. Tatay ni Kevin." Napalingon ako kay Kevin. "Kaya niyang manipulahin ang lahat, pati na rin ang dean. Nakakatakot ang matandang iyon dahil talagang nililinis niya ang mga taong humahadlang sa kaniya."

"Tatay ni Kevin? Kung ganoon bakit hindi niya ialis ang anak niya sa school na ito?" tanong ko.

"He's the one who send Kevin, here." Napaawang na lang ang bibig ko. "I don't the whole story, but Kevin do something that make his father mad. Misteryoso rin kasi ang buhay ni Kevin kaya hindi ko alam kung ano talagang lagay nilang mag ama."

"Lahat ba kayo may tinatagong sikreto sa pagkatao?" tanong ko.

"Yes," sagot ni Agatha. "Even you, sigurado akong pati ikaw ang may sikreto sa pagkatao mo."

Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam, hindi ko nga maalala ang childhood ko eh. Matapos ko kasing makuha ng mga kidnappers at ma-stock sa isang sunog, hindi kona alam pa kung anong nangyari sa childhood ko."

"Same situation to Milo," sabi ni Aika. "Biktima rin siya ng kidnapped, at sa tuwing binabanggit namin iyon ay nagwawala siya."

"Bakit?" takang tanong ko.

"Because that day, he lost everything." bulong ni Agatha.

He lost everything...

Napalingon ako kay Milo, na nakikipagtawanan kila Kuya Sebastian kahit pa may bangas ang kaniyang mukha.

Now I understand. Sa likod ng delikado nilang pagkatao, may isang pangyayari ang bumago sa kanilang buhay....

School of Mafias [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon