CHAPTER 64

49.1K 2.4K 309
                                    

SAPHIRA REYN FERRER


      SA DORM ako nila Aika tumuloy. Sila na rin ang kumuha ng mga gamit ko at abo nila Mommy para sa'kin dahil alam daw nilang iiyak na naman ako.

Napahinga na lang ako nang malalim habang nakatitig sa kisame. Masyado nang miserable ang buhay ko.

"Saphira, may pagkain dito. Kain kana." Napabangon ako sa kama nang marinig ang salitang pagkain. "Kain na tayo para naman makapasok na tayo."

Inayos ko ang sarili ko. Tumingin ako sa salamin at napasimangot ako dahil mukha akong palaka. Magang maga masyado ang mga mata ko dahil sa pag iyak.

Napailing na lamang ako bago lumabas ng kwarto ko. Nakita ko sila Rabbit sa sala na kumakain. Lumapit naman ako sa kanila at nakiupo bago magsimulang kumain.

"Magang maga ang mga mata mo," sabi ni Fiona.

"Bagong version lang 'to ng mga mata," sagot ko at bahagyang natawa.

Napahinto ako sa pagkain nang bumukas ang pinto ng dorm nila at iniluwal sila Kuya Sebastian. Kumpleto sila. Ang sayang tingnan na kunpleto sila.

"Tapos na ako," mahinang sabi ko bago tumayo. "Thank you sa pagkain."

"Kakakain mo pa lang," sabi ni Rabbit.

Ngiti lamang ang isinagot ko bago tuluyang magtungo sa kwarto ko. Alam kong magkakaroon na naman ng diskusyon tungkol sa nangyari at ayokong mangyari yun.

"Kaya mong mag isa," sabi ko sa sarili ko. "Ngayon lang naman, 'to. Siguradong magiging ayos din ang lahat."

Dumiretso na lang ako sa bathroom at naligo. Kailangan kong mag aral kahit hindi naman ako nakikinig. Wala, eh, no choice na lang.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko silang lahat sa sala, na masaya. Kasama ako dati diyan, eh, kaso kailangan ko munang lumayo.

Selfless girl era na naman si Saphira.

"Pasok na ako," paalam ko kila Aika. "Ingat kayo sa pagpasok niyo mamaya, ah?"

Hindi kona hinintay ang sagot nila at basta na lamang lumabas ng dorm. Napahinga ako nang malalim bago maglakad pababa ng dorm building.

"Kawawa ka naman." Napahinto ako sa paglalakad sa hallway nang may magsalita. "You look pitiful."

"Well, thank you sa'yo," sarkastikang sagot ko. "Hindi ko alam kung anong trip mo ngayon pero wala ako sa mood makipag-gaguhan sa'yo, okay?"

Nilampasan ko ang dimonyitong lalaki na 'to. Hindi ko pinansin ang nga tingin niyang mapang asar. Punyeta 'tong Gaudino na 'to. Mga mapanakit ang mga Gaudino.

Dumiretso ako sa classroom, medyo napaaga ako dahil wala pang tao sa classroom. Dumukdok na lang ako sa desk ko at ninamnam ang lungkot na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakayuko, basta naramdaman kona lang na nakatulog na ako.

Pero bago tuluyang lamunin ng dilim ang diwa ko, naramdaman ko ang isang malambot na labi sa aking noo.

*********

RABBIT ICELER

  NAKAKAHAWA ang lungkot ni Saphira. Nagiging emosyonal din ako bigla. Bakit kasi ganito kahirap ang dinadanas namin? Mas lalo pang humirap dahil sa kalagayan ko.

School of Mafias [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon