CHAPTER 52

54.3K 2.6K 341
                                    

SAPHIRA REYN FERRER

     SISIMULAN kona ang investigating project ko. Kailangan kong malaman ang totoo tungkol kay Tita Rachelle. Bakit siya buhay? At bakit siya nagtatago dito sa M.U?

"Where are you going?" kunot noong tanong ni Kuya Sebastian nang makita ako.

"Sasaglit lang sa labas," sagot ko. "Magliliwaliw lang."

"It's dangerous for you, Saphira," seryosong sabi nito. "Hindi ka pwedeng lumabas. Wala ka rin namang gagawin doon dahil walang pasok."

"Sasamahan kona lang siya." Tumayo si Milo at inakbayan ako. "Mag-de-date na rin kaming dalawa."

"Just make sure walang mangyayari sa kaniya, sinasabi ko sa'yo, Milo. Hindi kana uuwing buhay sa inyo," banta ni Kuya Sebastian.

Ngumisi lang si Milo bago ako hilahin palabas ng dorm.

"May hindi ka sinasabi sa'min," walang emosyong sambit nito. "Anong natuklasan mo sa school na 'to?"

"W-wala," sagot ko at umiwas ng tingin.

"It's about Rachelle Fajardo, right? Mother of Ferrer Brothers," sabi nito. Agad naman akong napalingon sa kaniya dahil sa sinabi niya. "Alam kona ang tungkol sa kaniya. I saw her too and I have some information about her."

Lumingon ako sa paligid at nang masigurong tao ay tinanong ko si Milo.

"Alam mo rin?" tanong ko sa kaniya. "Ano pang alam mo sa kaniya? Sabihin mo sa'kin."

"One answer, One kiss.." Ngumisi ito.

"Milo!" inis kong sabi.

"I'm dead serious, Saphira." Nag cross arm ito. "It's up to you if you're going to accept my offer."

"Wag na! Ako na ang hahanap ng impormasyon!" Inirapan ko siya at iniwanan.

Kaya kong maghanap ng impormasyon nang hindi hinahalikan si Milo. Ano siya? Sinuswerte para halikan ko? Manigas siya.

"Hey, wait for me!" hindi ko pinansin si Milo.

Nagtungo ulit ako sa lugar kung saan nakita ko yung nag iisang classroom. Akmang papasok na ako sa loob pero natigilan ako nang bumukas ang pinto at iniluwal si Neo.

"What do you need?" malamig na tanong nito at tinaasan ako ng isang kilay. "This is a private room. You're not one of us, so you have no rights to go here."

"Ikaw? May alam kaba?" direstsang tanong ko sa kaniya. "Si Rachelle Fajardo? Buhay ba siya at nandiyan sa loob?"

"You should go now," malamig na sabi nito.

Sinubukan kong pumasok sa loob pero hinawakan nito ang braso ko at malakas akong itinulak. Kung hindi pa ako nasalo ng isang bisig ay siguradong babagsak ako sa lapag.

"Tie that woman of yours, Milo," malamig na sabi ni Neo. "Umalis na kayo dito kung ayaw niyong mahuli."

Pumasok ito sa loob ng classroom at isinarado ang pinto.

"Let's go," seryosong sabi ni Milo at hinila ako paalis sa lugar na yun.

"Milo, gusto ko talagang malaman ang tungkol kay Tita Rachelle. Kung buhay nga siya, sasabihin ko kila Kuya Sebastian para naman sumaya sila," sambit ko kay Milo. "Bakit pa kasi may kiss!?"

"Saphira, I know how much you love your brothers, but don't put your life in danger.." Napahinga ito nang malalim. "Rachelle Fajardo Ferrer is alive. I don't know how, but I'm sure Marcelo planned all of this. Rachelle is no longer Ferrer because she's married to Marcelo now. I don't what they plan but I think they want to build a new Mafia Community and control the world."

"So, umanib si Tita Rachelle kay Marcelo? Pero bakit naman niya gagawin yun?" Nangunot ang aking noo. "Bakit naman ilalagay ni Tita Rachelle sa kapahamakan ang mga anak niya?"

"I don't know too, kulang ang impormasyong mayroon ako." tugon nito. "Ako na ang bahalang kumalap ng impormasyon para sa'yo."

Ngumiti ako. "Maraming salamat, Milo. Gustong gusto ko lang talagang malaman ang totoo dahil pakiramdam ako ay mababaliw na ako sa mga nangyayari."

"Anything for you," nakangiting sabi nito at kumindat sa'kin.

Nagtungo kami ni Milo sa punong madalas kong pagtambayan at kung saan kami na-issue ni Eiren.

"Yung babaeng estudyanteng nakabangga ko, sa tingin ko ay may alam din siya.." Nilingon ko si Milo. "Pwedeng siya ang hanapin mo para makakuha ka ng impormasyon."

"We need to be chill, first. Hindi lahat ng estudyanteng nakakasalamuha natin ay galit kay Marcelo. Some of them are obsessed to Marcelo," seryosong sabi nito. "Kapag nalaman ni Marcelo na kumakalap ka ng impormasyon, siguradong ipaliligpit ka niya."

"May saltik ba si Marcelo?" Napangiwi ako. "May anak siya, diba dapat iniisip niya ang kapakanan ng anak niya, lalo pa at may saltik si Mark sa utak."

"Base sa kwento ng mom ko, he became like that when his daughter died because of war between your parents and him," sagot nito. "Kilala si Marcelo dahil sa sobrang daming illegal doings niya."

"Ha? Pare pareho lang namang may illegal doings ang mga Mafia diba?" naguguluhang tanong ko.

"Yes, but they are different. May mga Mafia na gumagawa ng illegal dahil may misyon sila at may inililigtas na mga inosente. Some Mafia only kill bad people and save innocent people. Pero si Marcelo, he's too much. He ruined your parents organization because he's greedy. He killed innocent people, that's why your parents decided to create a war against him," naging interesado ako sa ikinuwento niya. "Maraming against kay Marcelo at marami ring sang ayon sa ginagawa niya. Marcelo, use his daughter against your parents. Alam niyang ang kahinaan ng mga magulang mo ay ang mga bata. Doon napatay ang anak ni Marcelo at doon siya bumuo ng eskwelahan para sa mga Mafia."

"Kung masama naman pala siya, bakit ipinasok kapa rin ng mga magulang mo dito?" tanong ko ulit. "I'm sure hindi sang ayon ang mga magulang mo sa gusto niya."

"Ang daddy ko lang ang nagpasok sa'kin dito. Ayaw ni mom pero wala siyang nagawa," sagot ni Milo. "Dad is mad at me because of what happened to my little sister. I think he wants me to be dead here."

"Baka naman may ibang dahilan ang daddy mo," sabi ko. "Baka pinoprotektahan ka niya o baka may nais siyang ipa-realize sa'yo?"

"Dad is not like that. He's not soft," tugon nito. "He's like Marcelo, but a better version."

"Milo, I'm sure may dahilan talaga ang daddy mo kaya ka niya pinasok dito." Hinawakan ko ang kamay niya. "Wag kang masyadong malungkot dahil nandito lang ako sa tabi mo. Sabay nating pabagsakin si Marcelo at sabay nating ipatigil ang kabaliwan niya."

"Yeah, as long as you're with me I will be okay." Ngumiti ito.

Tumango ako at hinalikan siya sa labi. Napatulala naman ito at napakurap kurap.

"Let's go back to our dorm, baka isipin nila Kuya na may ginagawa tayong kababalaghan." Tumayo ako. "Bilisan mona."

"Isa pang kiss, masyadong bitin!" sambit nito.

Tumawa lang ako at tumakbo. Hinabol naman ako nito kaya mas binilisan ko pa ang takbo ko. Hinahabol ako ni Milo Everyday..

School of Mafias [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon