CHAPTER 68

49K 2.5K 591
                                    


SAPHIRA REYN FERRER


          Ang layo ng University na pupuntahan namin. Nag iinit na ang puwitan ko sa upuan ko. Naiinggit din ako kila Aika kasi mga nakakapag usap sila. Ayoko namang kausapin si Kuya Neo dahil baka mapikon at pagpalitin ang upuan naming dalawa.

"Nagugutom ako." Narinig kong sabi ni Rabbit. "Gusto kong biscuit."

Kinuha ko naman yung bag ko. Tumayo ako at ibinigay kay Rabbit ang bag ko.

"Puro pagkain 'yan," nakangiting sabi ko sa kaniya. "Binaon ko yung mga gusto mo kaya hindi ka magugutom. May tubig din sa bag at gatas."

"Thank you," masayang sabi nito. "The best Ninang ka."

Natawa lang ako bago guluhin ang kaniyang buhok.

Naglakad ako pabalik sa kinauupuan ko pero napatigil ako nang maagaw ng pansin ko ang isang abandonadong bahay. Nakaramdam ako ng kilabot at hindi maipaliwanag na takot. Gusto kong ialis ang tingin ko sa bahay pero napako doon ang tingin ko.

Unti unting lumayo ang bahay kaya mabilis akong tumakbo patungo sa likuran at tiningnan ito hanggang sa tuluyan itong mawala sa paningin ko.

"Galing na ako doon. . ." wala sa sariling sambit ko.

Napailing ako bago bumalik sa kinauupuan ko.

"Dream house mo?" Napalingon ako kay Kuya Neo.

"Huh?"

"Yung bahay na tinitingnan mo, dream house mo?" pag uulit nito. "Kung tingnan mo kasi parang ganoon ang gusto mong bahay."

Umiling ako. "Parang napuntahan ko na kasi pero hindi ko alam kung kailan."

"Baliw ka lang," mahinang bulong nito pero narinig ko naman.

"Bakit mo muna tinatanong?" Nginisihan ko siya. "Concerned ka na ba sa'kin, Mr. Gaudino?"

"Why would I, dimwit Ferrer?" Tumaas ang isang kilay nito.

Sinundot ko ang tagiliran niya na ikinagulat nito.

"Stop touching me there!" bulyaw nito sa'kin pero hindi ko siya pinakinggan. "I said stop!"

Tinulak ako nito kaya nalaglag ako sa kinauupuan ko. Namali ako ng bagsak ng kamay kaya ayun, sakit. Napasapo ako sa kamay ko dahil parang naipitan ito ng ugat.

"Saphira!" Nilapitan ako nila Aika. "Ayos ka lang?"

"Ayos lang," nakangiting sagot ko. "Kasalanan ko naman."

"Tsk." Tumayo si Neo at pinantayan ako. "Sorry. . ."

Akmang hahawakan ako nito pero hindi natuloy nang may tumulak sa kaniya. Kukurap kurap akong nakatingin kay Milo na malamig lang ang ekspresyon. Hinawakan nito ang kamay ko at hinilot hilot.

"You should stay away from that idiot," malamig na sabi nito. Umiigting ang panga nito. "Kapag narinig ko pa miski huni ng tawa mo dahil sa kaniya, babaliin ko leeg niya sa harapan mo."

School of Mafias [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon