CHAPTER 23

70K 3.3K 564
                                    


SAPHIRA REYN FERRER

   "KINAKABAHAN ako," sabi ko habang papasok kami sa battlefield.

Nasa labas pa lang kami ay dinig na dinig na namin ang mga sigawan. Para silang yung nasa ghost fighter, yung mga monster na naghihiyawan.

"Akala ko ba kaya mo?" Tinaasan ako ng isang kilay ni Kuya Sebastian.

"Oo nga, kinakabahan lang ako." Napahinga ako nang malalim. "Basta, kaya ko."

Nang tuluyan kaming makapasok nang battlefield ay mas lalong lumakas ang sigawan. Sinamaha pa yun nang pambabato sa'min ng mga plastic bottles.

"MGA TALUNAN!"

"HULING SALTA NIYO NA 'TO! MAGPAALAM NA KAYO!"

"PAISA MUNA!"

"POOR BITCHES!"

Hindi na lamang namin sila pinansin at pumwesto na lang sa kabilang dulo ng ring. Wala pa yung mga kalaban namin, mukhang surprise yung pagpapakita sa kanila.

"ARE YOU READY M.U STUDENTS?" sigaw ng isang lalaking nasa loob ng ring. "ARE YOU READY FOR THE BLOOD BATTLE!?"

Halo halong sigaw ang mga sinagot ng mga ito. Napangiwi na lamang ako dahil ang sakit nila sa tainga.

"I THINK, EVERYONE ARE EXCITED!" Humarap ito sa'min. "OKAY, LET'S START THIS BATTLE. REPRESENTING THE RAINBOW MAFIA!"

Umakyat na sa ring sila Aika. Agad naman akong sumunod sa mga ito.

"WEAKERS!"

"PAPATAYIN LANG NILA KAYO!"

"WALA KA KAYONG KUWENTA! MGA TALUNAN!"

"FERRER! PAISA!"

"PAKYU KAYO! KAPAG KAMI NANALO SASAPAKIN KO KAYO ISA ISA!" galit na sigaw sa kanila ni Fiona.

"Lalakas magsabi ng mga ganiyan, talunan din naman." Umiling iling si Agatha.

"AT ANG NAGHAMON SA LABANG ITO! REPRESENTING BRATZ ASSASSIN FROM ASSASSINATION UNIVERSITY!"

Unti unting lumitaw mula sa dilim ang limang kababaihan. Parang tinakasan ako ng kaluluwa nang makilala ko kung sino ang mga ito.

Hindi maaari..

Umakyat ang mga ito sa ring. Umiwas ng tingin yung apat habang yung sa tingin kong leader nila ay nakangisi sa'kin.

"SEXY!"

"ANG GANDA NIYO!"

"PATAYIN NIYO ANG MGA 'YAN!"

"GIRLS, CAN YOU INTRODUCE YOURSELVES?" Inabot sa kanila nung lalaki yung mic.

"Maricar.." nakaiwas pa rin ang tingin nito sa'kin. She's one of my friend noong nasa school pa akong matino. I never imagine na papasok siya sa isang university na delikado.

School of Mafias [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon