CHAPTER 35

60.8K 2.9K 672
                                    

SAPHIRA REYN FERRER

       HINDI KO maiwasang mapasimangot habang nakatingin sa mukha kong namamaga. Namumula ang magkabilang pisngi ko na medyo namamaga, putok ang gilid ng labi ko. Hanggang ngayon din ay masakit pa ang sikmura at likod ko.

Kung kailan may pagpupulonh sa Gym, at saka naging ganito ang itsura ko. Dapat pala hinayaan kona sila Kuya Sebastian na gumanti sa mga gumawa sa'kin nito eh.

"Saphira, ang tagal mo!"

Sinuot ko yung sumbrelong ipinahiram sa'kin ni Shadow bago ako maglakad palabas ng kuwarto ni Kuya Sebastian. Nadatnan ko ang mga ito na naghihintay sa'kin, pati sila Aika at yung dalawang grupo ay nandito na rin.

"Siopao yan?" asar ni Fiona at inakbayan ako. "Saphira, matamaan na lahat wag lang ang mukha."

"Hindi na ito mauulit," nakangusong bulong ko. "Hindi na ako magpapatama sa mukha."

"Tama yan," sang ayon ni Aika. "Kaya tara na."

Naglakad kami palabas ng dorm. Nauuna kaming girls habang nasa likuran naman namin yung mga lalaki.

"Ano bang gagawin sa gym?" takang tanong ko.

"May new student daw," sagot ni Rabbit. "Baka may important announcement din ang Dean."

Napatango lang ako.

Nang makarating sa gym ay saktong nagsisimula nang magsalita si Dean. Medyo naagaw namin ang atensiyon ng iba kaya agad akong naupo.

"MAGBUBUKAS NA ULIT ANG ATING ACQUAINTANCE PARTY!" sabi ni dean. "WE WILL ANNOUNCE THE DATE SOON, GUSTO LANG NAMIN NA MAGING HANDA NA KAYO DAHIL ALAM NIYO NAMANG MAGBABAGO NA ULIT ANG RANKING NG MGA GRUPO."

"Pang ilang rank tayo?" tanong ko kay Aika.

"Wag mo ng tanungin," nakasimangot na sagot nito. "Pero siguradong ngayon ay hindi na tayo kulelat."

"OKAY, LET'S PROCEED TO WELCOME OUR NEW STUDENTS." ngumiti si dean. "BOYS, PLEASE COME IN."

May biglang lumitaw mula sa gilid. Limang lalaki na kulay lila ang buhok. Napaawang na lamang ako ng labi nang makilala ang isa sa kanila. Si Mark Aqui. Pinagmasdan ko pa yung apat at parang may hawig sila sa mga kaibigan ko.

"Our new violet mafias," sabi ni dean. "Wala na ang dating violet mafia dahil idinispatya na sila." nilingon nito yung limang lalaki. "Boys, please introduce yourselves."

Pumwesto ang lima sa harapan. Unang humawak ng mic si Mark. Inilibot muna nito ang paningin sa kabuuan ng gym at nang dumako ang paningin nito sa'kin ay saka siya nagsalita.

"Mark Aqui," pakilala nito. "I'm the elder son and the heirs of Marcelo Aqui, our dean."

Sunod na nagsalita ang isang lalaking kahawig ni...Miguel. "Miggy Paulino."

"He's, Miguel's step brother." bulong ni Fiona.

Sumunod naman yung pangatlo. "Shark Lopez."

"He's my half siblings," bulong ni Agatha. "

Sumunod ang pang apat. "Neo Gaudino.."

School of Mafias [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon