CHAPTER 56

56.5K 2.6K 567
                                    

SAPHIRA REYN FERRER

   

     BUSY kami sa paglilinis kami ng GYM daw may importanteng bisita si Marcelo.

"Ayos ka lang?" tanong ko kay Rabbit.

Pansin ko kasi ang pamumutla nito tapos para pa siyang hinihingal at mukhang wala siya sarili.

"O-Oo," utal na sagot nito. "Wag mo akong pansinin. okay lang ako."

"Sigurado ka?" paninigurado ko at tumango lamang ito.

Tumango lang ako at hindi na siya kinulit pa. Inayos kona lang ang pagpupunas sa upuan pero hindi ko pa rin inaalis ang paningin ko kay Rabbit.

"Ayos lang ba si Rabbit?" tanong ko kay Aika.

"Ilang araw na siyang ganiyan," sagot ni Aika. "Baka parating lang yung dalaw niya. Wala talaga siya sa mood kapag malapit na siyang datnan."

Napatango na lang ulit ako.

"Banyo lang ako," paalam ni Rabbit.

Binaba nito ang basahang hawak at naglakad patungong C.R.

"C.R lang din ako," paalam ko kay Aika.

Ibinaba ko ang basahang hawak bago magtungo sa C.R. Nasa pinto pa lang ako ng banyo ay narinig kona agad ang iyak ng isang babae na nagmumula sa isang cubicle.

Naglakad ako palapit sa cubicle at kumatok. "Rabbit.."

"Hindi kona alam ang gagawin ko," iyak nito. "Saphira, natatakot ako sa mga posibleng mangyari sa'kin."

"Anong problema?" tanong ko sa kaniya. "Buksan mo ito at mag usap tayong dalawa."

Narinig ko ang pag click ng lock ng cubicle. Binuksan ko iyon at pumasok sa loob.

"Rabbit.." Pinantayan ko si Rabbit na umiiyak at yakap ang kaniyang mga tuhod. "Anong problema?"

"Saphira," umiiyak na sabi nito at niyakap ako. "N-natatakot ako.."

"Saan?" tanong ko. "May nagtatangka ba sa buhay mo?"

Humiwalay ito sa yakap at hinawakan ang mga kamay ko gamit ang kaniyang mga nanginginig na kamay.

"B-buntis ako. . ." Pakiramdam ko ay naging bingi ako dahil sa sinabi niya.

Hindi ako agad nakapagsalita at natulala na lang habang pina-process sa aking isipan ang kaniyang sinabi.

"H-hinintay kong datnan ako pero wala. Pangalawang buwan na akong delay. Inisip ko noong unang buwan ay baka irregular lang ako, tapos bigla na akong kinabahan dahil pangalawang buwan ko nang delay. K-kanina nagsubok ako ng PT na binili ko noong nag mall tayo, tapos positive ang lumabas. Saphira, hindi kona alam ang gagawin ko."

"Baka error lang yung resulta," kinakabahang sabi ko.

"Tatlong PT ang positive," sabi nito. "Saphira, anong gagawin ko? Hindi pwedeng magkaroon ako ng baby sa ganitong lugar. Kailangan mawala nitong baby dahil parehas lang kaming magiging kawawa."

School of Mafias [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon