CHAPTER 38

61.1K 3.3K 1K
                                    


MILO GAUDINO

     I was staring with the most beautiful woman in the world. She's pouting while peacefully sleeping.

I still remember how I punched Kevin's face. He fvcking deserved my fist. Tang ina, bigla niyang hinalikan si Saphira nang walang permiso, pambabastos na iyon para sa'kin.

"Milo!" Walang emosyong nilingon ko ang tumawag.

Oh, damn. How can I forgot this grumpy old man? Nilapitan ako nito at dinakot sa kwelyo, saka pahilang nilayo kay Saphira. Pinasok ako nito sa kuwarto ko at malakas na isinandal sa pader.

"Ano? Humo-hokage moves ka rin!?" inis na tanong nito. "Napag usapan na natin 'to diba? Walang pwedeng makipag-relasyon kay Saphira, hangga't hindi siya nakakalabas dito."

I glared at him and pushed him. "Tarantado ka eh, kung hindi mo ako pinalayas sa sariling kwarto ko. Hindi ko hahayaang sa sala kami matulog ng kapatid mo."

"Anong gusto mo? Palayasin ko silang dalawa ni Megan sa kwarto ko?" Naupo ito sa kama ko at kinuha ang paboritong kong unan. "Dapat pala dito kona lang sila pinatulog para nakita ni Saphira ang sikreto mo at ma-turn off siya, sa'yo."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Lumabas kana. Hayaan mong ako naman ang mamahinga!"

Ngumisi lang ito at nahiga sa kama. Imbis na mainis, nginisihan ko lang din siya.

"Sige doon ako sa kwarto mo," nakangising sabi ko. "Malikot matulog si Megan, siguradong yayakapin ako nun."

Walang isang minutong bumangon ito at lumabas ng kuwarto. Napailing na lang ako at nahiga sa kama ko. I miss my collection so much.

*****************

SAPHIRA REYN FERRER

     WALA na si Milo sa tabi ko nang magising ako. Nakangusong naupo ako sa sofa at nagkusot ng aking mukha.

"Gumayak kana," sabi ni Kuya Sebastian. Galing itong kusina at tanging shorts lang ang suot. "Hindi yata papasok yung iba, may mga hang-over."

"Ayaw kona rin pumasok," tamad kong sagot.

"Hindi pwede," sagot niya. "Didiretso kayo ni Aika sa training field pagkatapos ng isang klase."

"Akala koba bawal akong mag-training ng hindi kayo kasama?" Napahikab ako. Inaantok pa ako.

"Susunod kami," sagot niya lang. "Gumayak kana, wag ka lang magulo sa kuwarto at may natutulog."

Tumango na lang ako at tulalang pumasok ng kuwarto niya. Nadatnan ko si Megan na mahimbing na natutulog. Nakakainggit.

Dumiretso ako sa C.R at nagsimulang maligo. Saglit lang akong naligo dahil malamig ang tubig. Dahil biyernes naman, hindi na ako nagsuot ng uniform. Isang pants na itim at white t-shirt na lang ang isinuot ko. Buti na lang malaki yung t-shirt, medyo hindi na halata yung boobs ko.

Nagsusuklay na lumabas ako ng kuwarto. Nadatnan ko si Kuya Sebastian na prenteng nakaupo sa sofa at ngumangata ng pagkain.

"Ako lang ang papasok?" takang tanong ko. "Kuya, nakakatamad!"

School of Mafias [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon