CHAPTER 29

65.7K 3.3K 514
                                    


SAPHIRA REYN FERRER

     MAY BANGAS sa mukha si Milo, Eiren, at Kevin. Galing ang mga yun sa tatlo kong kuya .

"I think, deserved niyo yan." Nangalumbaba ako sa tali ng ring at pinagmasdan sila.

Walang pasok ngayon, kaya training day namin–training day ko. Sila Aika ang nagtuturo sa'kin, kanina pa kami nag-te-training kaya humiling ako ng break.

"I don't deserve these fvcking wound and black eye," reklamo ni Milo. "Halik mo lang ang deserved ko."

Inirapan ko lang siya at bumaba sa ring. Nilapitan ko sila Shadow at Miguel na magkatabi sa upuan. Pasimpleng landi.

"Kumusta?" tanong ko. "Nakatulog kayo?"

"Yes," sagot ni Miguel at inabutan ako ng tubig.

Kagabi kasi ay nagising ako. Nakitang kong palabas ng dorm si Shadow kaya tinanong ko kung saan siya pupunta. Mag-loving-loving daw yung dalawa.

"Si Shadow mukhang pagod at hindi nakatulog," sabi ko at ininom yung tubig na inabot ni Miguel.

"Masyado yata akong sabik kagabi, masyado ko siyang napag–kadiri ka naman, Saphira!" Naibuga ko kasi yung tubig sa kanila, dahil sa sinabi niya. "Ang dugyot mo."

"Mas dugyot ka!" Lumingon ako sa paligid. "Bunganga mo! Kapag may nakarinig sa inyo, yari ka!"

Ngumisi lang ito at inakbayan si Shadow. Hindi naman pumalag si Shadow.

"Ayaw mo pa kasing mamili doon sa tatlo." Napalingon ako sa gawi nila Milo. Nakatingin ang tatlo sa'min. "Kung wala ka namang bet sa kanila, nandiyan pa naman yung iba."

"Wala akong interes sa mga ganiyan," sagot ko. "Ang goal ko lang ay matapos na ang taon at makaalis sa lugar na ito. I want to be free, again."

"Kahit naman matapos ang taon, kapag hindi kapa rin binitawan ni Dean. Hindi kapa rin magiging malaya." Sabi ni Miguel.

Nangunot ang noo ko. "Ibig sabihin, si Dean talaga ang masusunod sa lahat?" Tumango ito. "Bakit hindi kayo magsumbong sa pulis? O kaya sa gobyerno?"

"Pulis? Gobyerno? Wala silang magagawa," natawa si Shadow. "At halos lahat sa kanila ay hawak ni Dean."

Napahinga na lang ako nang malalim. Mukhang kailangan ko munang mamatay bago ako maging malaya. Kaso hindi ko hahayaang mamatay ako, may pangarap pa akong tutuparin.

Maya maya lang ay bumalik na sila Aika. Muli kaming bumalik sa ring at nagsimulang mag-training.

"Wag kang lalata lata!" inis na sabi ni Kuya Sebastian na nanonood sa'min. "If you always act like that, enemy can kill you easily!"

"Kalmahan mo, Sebastian, training lang ito." natatawang sabi ni Agatha.

Hindi ito sumagot at nanatiling salubong lang ang kilay. Nagpatuloy lang kami sa training namin at hindi pinansin si Kuya Sebastian na puro reklamo.

Pagod na humiga ako sa gitna ng ring nang matapos kami. Habol hininga lang ako habang nakatingin sa itaas.

"Get up, Saphira." Tumayo ako nang marinig ko ang boses ni Kuya Sawyer.

School of Mafias [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon