CHAPTER 26

65K 3.2K 705
                                    


SAPHIRA REYN FERRER

    DO I have feelings for him? Napakamot na lang ako sa ulo ko. Kanina ko pa iniisip ang bagay na 'yan, si kuya Sebastian kasi, eh! Pinag-overthink pa ako.

"Pucha!" gulat kong sambit nang si Milo agad ang bumungad sa'kin nang makalabas ako ng kuwarto ni kuya Sebastian. "Bakit kaba nanggugulat!?"

Natawa ito. "Why are you so shocked?"

"W-wala!"

Akmang lalampasan ko siya kaya lang ay hinawakan ako nito sa braso at isinandal sa pader. Ikinulong ako nito at inilapit ang sarili niya sa'kin.

"A-ano ba!?"

"What's our problem?" tanong nito. "May nagawa ba ako?"

"Ha? Ano bang sinasabi mo?"

"Milo!" sabay kaming napalingon sa nagsalita. Si Kuya Sebastian. "Move or die? You choose."

Seryoso ang mukhang humakbang palayo sa'kin si Milo. Para naman akong nakahinga ng maluwag, nang malayo ito sa'kin.

"Aga aga nagkakainitan agad kayo," sabi nang kalalabas lang ng kuwarto na si Reyver.

"Saphira, kumain kana. Susundin ka raw nila Aika mamaya." Tinanguan ko lang si kuya at dumiretso na ako sa kusina.

Nadatnan ko sa kusina si Shadow at Brick na tahimik na kumakain. Tumayo si Shadow nang makita ako. Kumuha ito ng plato at isang baso at inilapag ito sa table.

"Kain na," sabi nito.

Umupo naman ako sa upuang nasa harapan niya at nagsimula nang maglagay ng pagkain sa plato ko. Tahimik lang akong kumain habang yung dalawa ay nag uusap tungkol sa ranking.

"Milo, kain kana rin."

Muntik na akong mabilaukan nang marinig ang pangalan ni Milo. Wala sa sariling dinampot ko ang tubig at ininom ito.

"Tapos na ako," sabi ko. "Baka nandiyan na sila Aika, mamaya na lang ulit."

Umalis ako sa kusina na hindi binabalingan ng tingin si Milo.

"Kuya, ako na lang ang pupunta kila Aika." agaw ko sa pansin nito.

Tumango ito. "Take care."

Lumabas ako ng dorm at dumiretso sa floor ng dorm nila Aika. Kumatok ako ng tatlong beses at agad naman itong bumukas.

"Saphira!" Bumungad sa'kin si Rabbit na mukhang pugad ng ibon ang buhok.

"Hi.." Kinawayan ko siya.

Ngumiti ito at hinila ako papasok. Napangiwi na lang ako nang madatnan ang napakakalat na dorm nila. Puro balat ng mga pinagkainan, may mga can beer din na walang laman.

Nakahiga sa lapag sila Aika, Fiona, at Agatha. Mukhang kagigising lang nitong apat.

"Anong nangyari sa inyo?" tanong ko habang dinadampot yung mga kalat nila.

"Nag–celebrate kami," tulalang sagot ni Aika. "Kagabi lang namin na-celebrate yung pagka–panalo natin."

Napatango ako.

School of Mafias [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon