CHAPTER 50

57.3K 2.9K 277
                                    

SAPHIRA REYN FERRER

     "KANINA kapa tulala, may problema ba?" tanong ni Milo, na pumukaw sa aking pag iisip. "What's our problem, sweetheart?"

"Problema ko lang," sagot ko. "Wag mo akong pansinin, kumakain ka lang nang kumain."

"Saphira, your problem is my problem..." Hinawakan nito ang kamay ko. "Now, tell me what's our problem?"

Umiling ako. "Wala yun. Tigilan mona ang paglandi sa'kin at baka makita kapa nila Kuya Sebastian."

"Boto na sila sa'kin," mayabang na sambit nito. "We can be sweet to each other anytime. You can kiss me anytime–"

"–Anong kiss?" sabad ni Kuya Stefan at inakbayan si Milo. "Hindi porket hindi ka namin binabawalan, ay hindi kana namin binabantayan. Know your limitation, Gaudino, at baka hindi kita matansiya."

Natawa ako nang sumimangot si Milo. Hindi kona siya pinansin pa at ipinagpatuloy na lang ang pagkain ko.

"Saphira, gusto mo?" alok ni Rabbit sa'kin nang kinakain niyang burger. "Busog na kasi ako.."

Kinuha ko naman iyon at kinain. "Kumusta kana? Maayos kana ba?"

"Oo," sagot niya. "Maayos na rin kami ni Kuya Reyver, wag na lang natin sanang i-open pa ang topic na yun."

Tumango ako at nilingon si Reyver, na nakikipagharutan kila Theo. Sunod namang dumako ang tingin ko sa tahimik na si Kevin. Tahimik lamang itong nakayuko habang kumakain.

"Kayo ni Kevin? Ayos na?" tanong ko.

Umiwas ng tingin si Rabbit. "Hindi ko alam kung paano siya patutunguhan sa ngayon, pero sigurado naman magiging ayos rin kaming dalawa."

"How about Reyver and Kevin?" Nagkibit balikat lang ito. "Grabeng sakuna ang ginawa sa'tin nila Dean. Kung kailan naging maayos na ang magkakaibigan ay tsaka siya eeksena."

"Takot kasi siyang magkaisa ang tatlong grupo," nakangising sabi nito. "Takot siyang malamangan at mapabagsak.."

"Kung ganoon ay kayang pabagsakin nilang tatlong grupo, si Marcelo?" Tumango ito. "Pero bakit hindi nila gawin ngayon?"

"Dahil may rules na ang Mafian Community," seryosong sagot niya. "Hangga't walang pahintulot ng ultors, hindi nila pwedeng galawin si Marcelo na parte ng mga mafia bosses at parte ng isang highest rank mafia."

"Wala na bang iba pang paraan?"

"Kung makakahingi ka ng pahintulot sa ultors.." Nilingon ako nito. "At kung may tutulong sa'yo na parte ng twenty highest bosses. Parte ng mga yun ang ama nila Milo at Kevin, pero hindi naman sila tutulungan ng mga iyon, lalo na si Milo."

"Anong pinag uusapan niyo?" sabad ni Aika at inagaw ang kinakain kong burger. "Share naman diyan?"

"Wala yun," tugon ko. "Anong plano natin? May klase pa ba? Nakakatamad namang makinig kasi paulit ulit na tungkol sa patayan ang itinuturo."

"Masanay kana," natatawang sabi ni Agatha. "Buti nga napatalsik na yung isang teacher natin, na puro sex position naman ang itinuturo."

Pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko dahil sa sinabi nito. Naalala kona naman tuloy si Kuya Sebastian at Megan, na gumagawa nang milagro sa kusina.

"Sana itinuro din noon ang tamang place ng mga naggagano'n," pabulong kong sambit na mukhang narinig nila.

"Bakit? May nahuli kang nag aano?" usisa ni Agatha. "Sino? Isa ba sa'tin?"

Umusli ang nguso ko at umiwas ng tingin. Kung alam niyo lang, dalawa ang nahuli ko. Sila Shadow at Miguel, sila Kuya Sebastian at Megan.

"Wala," pabulong kong sambit at tumayo. "Mabuti pa at libutin na lang natin itong school. Hindi ko pa rin kasi nalilibot ito nang buo, lagi kasi akong tinatambangan ng mga nag aaral dito."

"Wala namang maganda sa school na 'to," sabi ni Aika. "Pero wala rin naman akong magawa kaya let's go."

Mukhang ayaw ng iba pero wala na rin silang nagawa. Kahit si Megan ay sumama sa'min.

"Wala man lang bang playground dito?" pabiro kong tanong.

"Ang mga training field ang playground dito," sagot ni Fiona.

"Kung gusto mo ng playground, dapat hindi ka dito nag aral." sabad ni Megan. "Anong tingin mo sa mga Mafia? Naghahabulan lang at nag-i-slide."

"Init ng ulo, ah?" Nginisihan ko siya. "Porket hindi lang natuloy yung ano niyo ni Kuya Sebastian, ganiyan kana."

"Saphira!" inis na sabi nito.

Alam kong sasabunutan niya ako kaya mabilis akong tumakbo. Naramdaman ko naman ang paghabol sa'kin nito.

Sa katatakbo ay napadpad ako sa isang classroom na maayos pa pero mukhang abandonado na. Nakakapagtaka dahil sobrang linis ng room na ito, ang nakakapagtaka pa ay bakit nag iisang nakahiwalay ito sa ibang classroom?

"Siguro dapat ay kumilos na tayo.." Mabilis akong nagtago sa ilalim ng lamesa, nang makarinig ako ng ingay galing sa isang pinto.

Sumilip ako at nakita ko ang dalawang tauhan ni Marcelo, nakasubit sa mga ito ang baril nila.

"Ang yabang talaga ng anak ni Gaudino," rinig kong sabi ng isa. "Kung hindi lang grabe pumatay ang tatay no'n, baka napatay kona siya."

"Kung hindi lang kamo kaibigan at kagrupo ng anak ni Dean yun baka naupakan kona yun," dinig ko pang sabi ng isa. "Yosi na nga lang tayo sa labas."

Nakita kong lumabas ang dalawa ng room. Akmang lalabas na ako mula sa pinagtataguan ko pero napatigil ako nang muling bumukas ang pinto. This time, ang violet mafia naman ang lumabas. Nakakapagtaka lang dahil hindi nila kasama si Mark.

"What's our plan?" dinig kong tanong ni Remzy. "How can we kill them?"

"We should start planning," dinig ko namang sabi ni Shark. "Mahirap kalaban ang mga yun, ang dami nilang connection."

Alam kong sila Milo ang tinutukoy nila. Ito lang naman ang kanilang kaaway.

"Let's stop planning for now," narinig ko ang boses ni Neo. "May naaamoy akong dagang nagmamanman sa'tin."

Ako ba ang tinutukoy niya?

Dahan dahan akong sumilip sa maliit na butas at nakita kong nakatingin sa direksiyon ko si Neo. Nakita niya ba ako?

"Daga?" takang tanong ni Miggy. "You mean spy? Nasaan?"

"Wag na natin siyang pag aksayahan ng oras," sagot ni Neo. "Bumalik na tayo sa loob dahil mukhang wala rin namang utak yung dagang yun."

Ako? Walang utak!?

Bumalik ang mga ito sa kuwartong pinanggalingan nila. Lumabas naman ako sa pinagtataguan ko at agad umalis sa room na iyon bago pa ako makita nang iba pa.

"Ang kapal ng mukha!" Inis akong sumuntok sa hangin. "Ako? Walang utak? Sino kaya itong nagagalit sa kapatid nang hindi inaalam ang totoo?"

Ay, sila Kuya Sebastian din pala ay gano'n.

"Saphira!" Sunulpot bigla sila Aika. "Saan ka galing? Kanina pa kami nahihilo kahahanap sa'yo."

"Nagtago," sagot ko. "Kanina ko pa nga rin hininhintay na mahanap niyo ako eh."

"Sa susunod wag kang basta basta mawawala sa paningin namin, alam mo naman kung gaano ka kamahal ng gulo." sermon sa'kin ni Kuya Sawyer.

Napanguso na lamang ako at tumango. Sa ngayon, wala pa akong planong sabihin sa kanila ang mga nakita ko. Siguro tiye-tiyempo lang ako nang kaunti..

School of Mafias [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon