CHAPTER 51

56.3K 2.6K 137
                                    

SAPHIRA REYN FERRER

      "SA GYM daw lahat," salubong sa'min ni Green, nang akmang papasok na kami sa loob ng classroom.

Gym na naman? Gusto ko nang maupo eh! Nakakapagod pa lang ikutin itong school namin.

"Anong mayroon sa gym?" takang tanong ko sa kaniya.

Kibit balikat lamang ang isinagot nito bago ako lampasan. Napanguso naman ako, bago harapin sila Kuya Sebastian.

"Gym na naman," bagot kong sabi. "Ano na naman kaya ang pasabog ng ating pinakamamahal na si Marcelo?"

"Natural, puro kabaliwan na naman." Napailing si Aika. "Lakas ng amats ni tanda."

Wala na kaming nagawa kundi ang maglakad patungong Gymnasium. Nagsisimula nang magsalita si Marcelo nang makarating kami doon.

"Our acquaintance is now over, it's time for our school anniversary." Ngumiti ito. "Ibig sabihin, bulgaran na naman ng records niyo kung bakit kayo nakapasok sa school ko. At sasabihin ko rin ang mga rules na nilabag niyo."

"Records?" takang tanong ko. "Anong records?"

Nagkatingin naman sila Aika. Nilingon ko ang iba at mga nagkakatinginan din sila.

"Ibig sabih–"

"–Sandali!" Tumayo ako. "Chill lang kayo, ah? Na-je-jebs ako."

Hindi kona sila hinintay sumagot at agad na akong tumakbo palabas ng gymnasium. Nagtungo ako sa pinakamalapit na C.R at nagsimulang magbawas.

Nang matapos ako ay naghugas ako ng kamay bago lumabas.

"Success–Yawa!" Gulat akong napaatras nang biglang sumulpot si Neo sa harapan ko.

Bakit ba lagi na lang niya akong tinatambangan?

"B-bakit?" utal kong tanong.

"I'm curious about your records.." Sumandal ito sa pader at dumukot ng sigarilyo sa kaniyang bulsa. Sinindihan niya iyon at humithit.

"Records?" takang tanong ko. "Ano bang records?"

"You're really dumb.." Ngumisi ito at binuga ang usok na nasa loob ng kaniyang bibig. "Hindi ka makakapasok sa school na ito, hangga't wala kang malalang records... Like killing.."

Natigilan naman ako sa sinabi nito. "Ano bang sinasabi mo?. . . Nakapasok ako dito dahil sa grades ko. Inasikaso nila mommy ang papel ko."

"You can't enter to this school without records," nakangising sabi nito. "I'm fvcking curious about your records. Pumatay kaba?"

"Baliw ka!" singhal ko sa kaniya.

"You have split personality, right? Nag iibang tao ka sa tuwing nagagalit ka.." Natawa ito. "You almost kill our dean, remember?"

Bumalik sa alaala ko kung paano ko muntik patayin si Marcelo. Napakagat na lamang ako sa ibabang labi ko at nakutkot ang kuko ko.

"You have a strong awra, Ferrer. Just like your mother.." he said. "Your mother is scary, even my dad is afraid to her."

"Mabait ang mommy ko," mahinang sabi ko.

School of Mafias [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon