CHAPTER 62

49.2K 2.3K 306
                                    


MILO GAUDINO

      NAKATINGIN lang ako sa tatlong Ferrer, na ngayon ay hindi maipinta sa mukha ang mga galit. Pucha, hirap naman pumili kung saang side ka.

Well, may kaunting tampo ako kay Saphira dahil sa nakita ko. Pero wala naman akong karapatan sa kaniya dahil hindi naman kami.

"Anong plano?" tanong ko. "Balik sa umpisa?"

"Pero maling mali pa rin kayo," sabi ni Eiren sa tatlo. "Tinapon niyo yung abo ng parents niya."

"Sa tingin mo ba, bobo kami para itapon yung totoong abo?" masungit na tanong ni Stefan. "Itinago ni Sebastian yung totoong abo sa kwarto niya. Tang ina, marupok ang gagong yan, eh."

"Pero galit pa rin ako sa kaniya," sabi ni Sebastian. "Kahit ang totoong namatay ay ang kakambal ni Mommy, at hindi talaga siya. Matagal ng patay si Mommy at yung lumitaw kanina, kakambal niya yun. Si Tita Rea. Hindi naman kami bobo para hindi ko malaman ang pagkakaiba nila."

Mahina siyang sinuntok ni Shadow. "Pinaiyak niyo pa si Saphira! Gusto kona kayong sapakin kanina dahil sa ginawa niyo kay Saphira, kaso may mali rin Saphira."

"Ang gulo ng buhay niyong magkakapatid," sabi ni Brick.

"Kailangan naming palabasin ang ganoong reaksiyon para naman maniwala ang bobong Ama ni Kevin," sabi ni Sawyer.

"Speaking of Kevin, kasama niya ang magkapatid na Iceler," sabi ni Frank.

"Pabayaan niyo muna sila," sabi naman ni Leo.

"Anong plano niyo kay Saphira?" tanong ni Theo.

"Palilipasin lang muna namin ang sama ng loob namin," sagot ni Stefan. "Kailangang matuto rin siya sa pagkakamali niya."

"Sana all, kaya yun." Napasimangot ako. "Ito, pupuntahan kona siya kasi marupok ako."

"Hayaan mo muna siya," seryosong sabi ni Sebastian. "Hayaan muna nating magpatuloy ang palabas na 'to."

Mas lalo akong napasimangot. Hindi ko kaya yun, baka mamatay ako kapag hindi ko man lang siya nalapitan.

***************

RABBIT ICELER

         NANDITO ako sa dorm namin nila Aika, kasama si Kuya Reyver at Kevin. Sila Aika naman ay nasa clinic para bantayan si Saphira.

"Bakit hindi mo sinabi!?" galit na tanong ni Kuya Reyver. "Rabbit, ako ang kapatid mo tapos masyado ka pang malihim sa'kin!"

"Sorry," naiiyak kong sagot. "Nakakatakot ka kasi, eh."

"Rabbit naman," nanlulumong sabi nito. "Kaya rin naman kitang protektahan."

"Alam ko naman yun, natatakot lang talaga ako sa'yo," sagot ko. "Promise, hindi na ako maglilihim sa'yo."

"Talagang hindi na!"

Tiningala ko si Kuya. Imbis na maiyak ako nang tuluyan. Natawa ako nang malakas dahil yung butas ng ilong niya ay lumalaki.

Kadiri. May buhok pa at kulangot sa loob. Ang dugyot naman nitong lalaking 'to.

"Bakit ka tumatawa?" salubong ang kilay na tanong nito. "Rabbit, hindi ako nakikipagbiruan sa'yo."

School of Mafias [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon