CHAPTER 59

52.8K 2.5K 361
                                    

SAPHIRA REYN FERRER

      "SAAN ka pupunta?" tanong ni Milo nang akmang lalabas na ako ng dorm.

"Kay Rabbit," sagot ko. "Dadalhan ko siya nitong niluto kong gelatin. Kung gusto niyo, mayroon pang natira."

"Samahan na kita," sabi nito pero umiling ako.

"Ipinatatawag kayo ni Marcelo," sabi ko sa kaniya. "Narinig ko si Sebastian na kausap kanina yung isang tauhan ni Deanmunyo. Akala ko nga nanliligaw, eh."

"Ingat ka," malambing na sabi nito. "Susunod ako agad doon kapag natapos kami kay Dean."

"Kahit wag na," pabirong sagot ko.

Ngumisi ito bago hapitin ang beywang ko at halikan ang labi ko.

"Take care, sweetheart.."

Malakas na kumabog ang dibdib ko at nag init ang pisngi ko kaya idinaan kona lang sa irap.

Umalis ako ng dorm namin at nagtungo sa dorm nila Aika. Nang makarating doon ay dire diretso akong pumasok sa loob kaso mukhang wrong move dahil may nasaksihan akong hindi dapat.

"Mali ang iniisip mo!" sabi ni Aika at itinulak si Kuya Sawyer. "Epal ka kasi! Baka isipin ni Saphira na naghahalikan tayo!"

"Bakit? Hindi ba?" nakangising tanong ni Kuya Sawyer.

"Wala akong nakita," sabi kona lang. "Sorry rin sa istorbo. Punta na ako kay Rabbit."

Iniwan kona ang dalawa doon para maituloy nila ang naudlot nilang ginagawa.

*************

AIKA FLORES

       PLANO kong matulog magdamag dahil wala namang pasok, kaso may epal na sumira no'n. Kwarto ko ang pinakamalapit sa pinto kaya ako ang madalas na tagasalubong ng mga bwisita.

"Ano!?" singhal ko sa kumatok pero agad rin akong napaayos nang makitang si Sawyer yun. "Bakit ka ba nang iistorbo?"

"Nasabi ni Sebastian na pupunta dito si Saphira. Dumaan lang ako para ibigay sa kaniya itong dala kong almusal," sagot nito.

"Oo na! Ako na magbibigay!" inis kong sabi at inagaw sa kaniya yun. "Umalis kana, nakakasira ka ng araw."

Lumapit ito sa'kin kaya napaatras ako. Aatras pa ulit sana ako kaso hinapit nito ang beywang ko at inilapit ako sa kaniya.

"Ang aga aga ang sungit mo," walang emosyong sabi nito. "Gusto mo bang patahimikin kita gamit ang labi ko?"

"Susuntukin kita, tingnan mo," banta ko dito. "Bitawan mo ako!"

"Why would I?" nakangising tanong nito at inilapit pa lalo ang mukha niya sa'kin.

Kung titingnan kami ngayon, mukha kaming naghahalikan. Siguradong iyon ang iisip nang papasok–Anak ng tupa! Ito na nga ba ang sinasabi ko.

"Mali ang iniisip mo!" sabi ko agad kay Saphira bago itulak si Sawyer palayo sa'kin. ""Epal ka kasi! Baka isipin ni Saphira na naghahalikan tayo!"

Epal talaga itong Ferrer na 'to! Nakakainis, ang sarap niyang gilitan tapos gawing sisig yung ulo niya.

"Bakit? Hindi ba?" nakangising tanong ni Sawyer.

"Wala akong nakita," sabi ni Saphira. Hindi ako naniniwala dahil alam kong may iniisip na siyang hindi maganda. "Sorry rin sa istorbo. Punta na ako kay Rabbit."

Bago pa ulit ako makapagpaliwanag ay mabilis na itong umalis. Sinamaan ko naman ng tingin si Sawyer at sinipa sa ano niya.

"Damn!" daing nito at sinapo ang alaga niya. "Babasagin mo ba 'to!?"

School of Mafias [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon