CHAPTER 61

51.1K 2.3K 306
                                    

SAPHIRA REYN FERRER

       HANGGANG ngayon ay hindi pa rin ma-process sa utak ko ang nangyayari. Basta ang alam ko, isang bangkay ng importanteng tao ngayon ang nasa harapan ng lahat.

"It's Mom," bulalas ni Kuya Sebastian. "Mom!"

Sinubukan nilang lapitan si Tita Rachelle pero agad silang hinarang ng mga tauhan ni Marcelo.

"MOM!" sigaw ni Kuya Sawyer. "What the fvck!? Umalis ka diyan!"

"Mommy!" sabi naman ni Kuya Stefan. "Mom!"

"Bitawan mo ako!" galit na sabi ni Kuya Sebastian at tinulak ang mga nakahawak sa kaniya.

Pinagtulungan ng tatlo ang mga nakaharang sa kanila hanggang sa malapitan nila ang kanilang Inang wala nang buhay.

"Mom..." Nanginginig na hinawakan ni Kuya Sebastian si Tita Rachelle. "Mom, we're here. Wake up, please..."

"Mommy, si Sawyer 'to," sabi ni Kuya Sawyer at hinawakan ang kamay ni Tita. "Mom, please, open your eyes.."

Hindi ko mapigilang maluha dahil sa eksenang nakikita ko. Ramdam ko ang bigat ng pakiramdam nila Kuya, kahit pa wala silang luha.

Alam kong pinapakita lang nilang malakas sila kahit gustong gusto na nilang umiyak.

"Kuya..." Naglakad ako papalapit sa kanila. "Kuya..."

"Alam mong buhay siya?" tanong ni Kuya Stefan, na nasa Ina pa rin ang tingin. "Saphira, sabihin mo ang totoo."

"Kuya–"

"–Tang ina! Sumagot ka!" galit na sabi nito. "Alam mo bang buhay siya!?"

Napakagat ako sa ibabang labi ko at dahan dahang itinango ang ulo ko. "S-Sorry. . ."

"Dapat sinabi mo," sabi ni Kuya Sebastian. "Hindi man lang namin siya nakausap ulit. Saphira, alam mo naman kung gaano kami nangungulila, diba?"

"Kuya, sorry," tanging nasabi ko. "Sorry. . ."

"Sorry na naman? Sana maibalik ng sorry mo yung buhay niya," pagak na sabi ni Kuya Sawyer.

Sinubukan kong hawakan si Kuya Sawyer pero itinulak lang ako nito palayo.

"Wag mo akong lapitan," malamig na sabi nito. "Sa pangalawang pagkaakataon, namatayan na naman kami ng Ina dahil sa'yo."

Parang piniga ang puso ko dahil sa sinabi niya, pero tama naman siya. Ako na naman ang dahilan kung bakit nawalan na naman sila ng Ina.

"Sorry," tanging nasabi ko lamang. "Patawarin niyo ako. H-hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari–"

"Tanga ka ba!?" Sa isang iglap ay hawak na ni Kuya Sebastian ang panga ko. "Nasa impyernong paaralan tayo kaya dapat alam mona ang mga mangyayari! Ano ba talaga, Saphira? Gumaganti ka ba!?"

Tumitig lang ako sa kaniya habang lumuluha.

"Ipaparamdam ko sa'yo kung paano mamatayan sa pangalawang pagkakataon." Mabilis na tumayo si Kuya Stefan at lumabas ng GYM.

School of Mafias [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon