CHAPTER 27

63.9K 2.9K 464
                                    


SAPHIRA REYN FERRER


    GABI NA nang maisipan kong bumalik sa dorm namin. Pagpasok ko ay parang may diyablong bumabalot sa mga tao sa loob.

Nakatayo sila kuya habang masama ang tingin kay Megan na nakaupo sa sofa at nanonood ng T.V

"Bakit niyo siya binabantayan?" agaw pansin ko sa kanila.

"Hindi namin siya binabantayan, nanonood din kami." sagot ni Brick na ikinatango ko lang.

Sinilip ko yung palabas at basketball ang palabas. Nagkibit balikat na lang ako at dumiretso sa kuwarto ni kuya Sebastian para maligo.

Kumuha ako ng damit at agad dumiretso sa banyo. Saglit lang akong naligo dahil trip ko lang.

Nang makalabas ako ay nadatnan ko na si kuya Sebastian na nakahiga sa kama.

"Bakit hindi kana nanonood?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi naman talaga ako nanonood. I'm just waiting for you," sagot nito.

"Oo nga pala." Lumapit ako sa kama at naupo. "Hinalikan ni kuya Sawyer, si Aik–mali pala. Si Aika pala ang humalik kay kuya Sawyer."

Nag–hmm lang siya habang nakatingin sa kisame. Mukhang may iniisip siya.

"Kuya, mabait ba si Megan?" tanong ko na ikinatigil nito. "I mean, dati. Mabait ba siya dati?"

"Hmm.." tumango ito. "She's kind. Parang ikaw, siya." sumeryoso bigla ang mukha nito. "Pero kasinungalingan lang pala. She's just using us. Tauhan siya ni Dean."

"Minahal mo si Megan?"

"Wag kang chismosa, matulog kana lang." Tumalikod ito sa'kin.

Napanguso na lang ako at nahiga. Gusto ko pa sana siyang kulutin ang kaso mukhang wala siya sa mood.

Kinabukasan ay inagahan ko ang gising dahil plano ko silang ipagluto ng umagahan. Gusto kong bumawi sa kanila dahil inaalagaan nila ako ng mabuti.

Inayos ko na ang mga lulutuin ko at nagsimula na. Nang matapos ako ay nilagyan ko ang mga plato nila ng pagkain. Nilagyan ko rin ng design yung mga pagkain para maganda at para ganahan silang kumain.

"Really? Ginawa mo silang bata." Napahinto ako sa pag aayos ng design nang biglang sumulpot si Megan. "Mukha ka lang tanga. Do you think they will eat that disgusting food?"

Napaarko ang isang kilay ko dahil sa sinabi nito. "Disgusting? Iba iba ang taste ng mga tao, Megan. At hindi ka pasok sa taste ko."

"As if naman pasok ka sa taste ko." Kumuha ito ng isang hotdog at dire diretsong kinain yun.

"Wala na! Ginulo mona yung pagkain ni Milo!" maktol ko. "Bakit mo kasi kinain yung hotdog? Kaniya yan eh."

"Mas masarap yung totoong hotdog niya," sabi nito at mahalay na tumawa habang naglalakad palabas ng kusina.

Napasimangot na lang ako bago kumuha ng hotdog sa lagayan at nagpatuloy sa pag aayos. Saktong natapos ako ay pumasok na sila kuya Sebastian.

"What's that?" nakangiwing tanong nito habang nakatingin sa hinanda ko. "We're not kid, Saphira."

"Cute kaya." Naupo si Shadow. "Parang ayaw ko tuloy kainin."

Hindi na kumibo yung apat at nagsimula na lang kumain. Naupo naman ako at nagsimula na ring kumain.

"You're good at cooking." Napalingon ako kay Milo. "You can be my house wife now."

School of Mafias [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon