Heneral Anastacio De Castro. Ang pinaka magiting at kakaibang heneral ng El Salvador. Kilalang kilala si Heneral De Castro sa kanyang pagiging tapat sa kanyang sinumpaang tungkulin sa bayan. Ngunit hindi lamang sa tungkulin siya naging tapat bagkus pati sa unang babaeng kanyang minahal. Si Patria Miguela Suarez ay nagmula sa angkan ng malapit na kaibigan ng mga De Castro kung kaya bata pa lamang ay magkakilala na sila ni Anastacio. At sa kanilang murang edad, kapwa na sila humanga sa isa't isa. Ngunit sa paglipas ng panahon ay maraming nangyari sa kanilang buhay. Sapat na bang dahilan ang mga pangyayaring iyon upang malimot ang dating pag-ibig? O sapat ang mga pangyayaring iyon upang maging matingkad pa ang pagmamahal sa isa't isa? Date Written: 4/18/2021 Date Finished: 5/30/2021 NOTE: Under editing