One Sweet Glimpse

563K 7.5K 475
                                    

ONE SWEET GLIMPSE


COPYRIGHT © 2012 BY Marielicious



Reproduction or usage of this work in whole or in part in any form by any electronic,mechanical or other means,now known or hereinafter invented,is forbidden without the permission from the author.



All the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author,and have no relation to anyone having the same names . They are not even distantly inspired by any individual known or unknown to the author, and all the incidents are merely inventions.



PROLOGUE


Alexander De Silva

Kilala bilang 'nice guy' ng gang na tinatawag na X10.

Mabait pero masama kung magalit.

Isang gentleman kung maituturing.

Nagsisilbing kuya ng nakararami.

Ngunit hindi batid sa kaalaman ng iba ang kanyang sikreto mula sa nakaraan

Nakaraan kung saan nahubog ang kanyang personalidad sa kasalukuyan.

Ang kanyang nakaraan ang tanging pinanghahawakan niya hanggang sa hinaharap.

Maangas...

Tahimik...

Suplado...

Maikli ang pasensiya...

Madaling magalit...

Kinakatakutan ng marami...

Mahilig makipag-basag ulo...

Iresponsable...

Sa madaling salita...

Isang rebelde...

Yan ang dating Alex.

Ano kaya ang dahilan ng kanyang pagbabago?

****

"Alex, anak, baon mo. Dumiretso ka na at wag mo ng pansinin ang daddy mo, okay?" Mahinahong paalala ng kanyang ina sa kanya. Hindi sumagot si Alex, bagkus ay kinuha lamang nito ang pera mula sa kanyang ina.

Kinuha niya ang kanyang back pack at isinukbit sa likod niya. Saka ito lumapit sa pinto palabas ng kwarto niya. "Alis na ako..." Mahinang sambit nito.

"Ingat anak.." pahabol ng ina.

Hindi na kumibo si Alex. Tuloy-tuloy lang siyang bumaba ng hagdan. Diretso ang tingin niya at walang pakialam sa paligid niya.

"Alexander... Halika rito..."

Napahinto siya nang marinig ang tinig ng kanyang ama. Hindi siya lumapit dito kaya ang ama na mismo ang lumapit sa kanya. "Tumawag sa akin ang Guidance Councilor niyo at sinabing binato mo raw ng bola ang P.E teacher niyo. Ano naman ba 'tong ginagawa mo?!" Galit na galit ang ama. Nag-echo ang baritonong boses nito sa buong mansion nila.

"Wala kang pakialam,"  malamig na sagot nito sa ama saka ito naglakad palayo. Ngunit, hinila agad ng ama ang polo nito mula sa likuran at binigyan ng isang malakas na suntok sa kanyang mukha. Sa lakas nito ay napasalampak sa sahig si Alex.

One Sweet Glimpse (Season 1&2: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon