-2- A Friendly Offer

88.1K 2.5K 130
                                    

***2*** A FRIENDLY OFFER

Wala ako sa huwisyo buong araw. Habang nagkaklase kami, umiisip ang utak ko ng paraan kung pa'no ko tutulungan si Yasmin. Ewan ko ba. Hindi ko naman siya kaano-ano. Ni hindi ko rin siya kaibigan, pero may kung anong bumubulong sa akin na responsibilidad ko siya. There must be a connection between us... And maybe that is Fatima.

"Class dismissed."

Agad-agad akong tumayo at dumiretso na palabas ng classroom. Pumunta ako sa dean's office ng College namin para kausapin si ate Alexa. Sa limang taon na lumipas, heto si Ate Alexa, ang naging dean ng Business College.

"Oh, Mr. de Silva? May problema ba?" Ngiting tanong niya pagkaupo ko pa lang sa harapan ng kanyang desk.

"Wala namang tao. 'Wag ka ng maging pormal."

"Tch, I'm just being fair to the students," tumikhim siya pagkatapos. "Fine, what brings you here, bro?"

"Hihingi ako ng pabor. Matutulungan mo ba akong ipasok sa scholarship program ng E.H.U ang kaibigan ko?"

Tumaas ang isang kilay niya. "Kaibigan mo? May bago kang kaibigan? Sino?"

Tch. Ayan na naman siya. Palibhasa, alam niyang hindi ako sociable na tao. Kilala niya ang lahat ng mga bago kong kaibigan. So, what's the matter with it?

"She's not totally a friend of mine. Kakakilala ko lang sa kanya and I don't think she considered me as one though," I shrugged my shoulders, looking for the right words to say. "Basta. Siya yung babaeng nakatanggap ng mga mata ni Fatima."

Natulala siya sa pagkagulat. Alam niya ang tungkol dun dahil siya lang naman ang sinabihan ko nun. Ni ang gangmates ko, walang alam tungkol dito.

"Seriously?"

"Yeah, could you help me?"

She nodded slightly. "Pero kailangan niyang mag-take ng admission exam para maqualify siya sa University."

"Pwede bang 'wag nalang? C'mon, Ate. Let her in," I replied. Paano kung hindi siya makapasa? Hindi ko alam kung kakayanin niya. Tch.

"Alexander, admission exam lang ang i-tetake niya. Don't worry about the scholarship program. Once na makapasa siya sa admission, then, she doesn't need to take the scholarship's exam. Exempted na siya. Basta, ssshhh ka lang," sabi niya habang nakaawang ang hintuturo sa labi niya.

I smiled widely. "Thanks. Babawi ako sayo."

Tinulungan na rin ako ni Ate Alexa sa pagkuha ng form na fifill-up-an ni Yasmin. Buti nalang talaga, may back-up ako sa mga ganitong bagay kaya mas madaling naisaayos ang mga kakailanganin ni Yasmin para makapag-take ng exams. Supposedly, September ang admission examination sa E.H.A kaya maswerte na rin na kahit October na ay pagbibigyan pa siya.

8PM nang mapagdesisyunan kong puntahan na si Yasmin sa karinderia na pinagtatrabahuan niya. Timing na nagsasarado na sila. Ilang saglit lang ay nakita ko na si Yasmin na palabas ng kainan. Sinalubong ko kaagad siya at sinalubong niya rin ako ng pagtaas niya ng isang kilay.

"Ano na namang ginagawa mo dito?!"

"Easy," itinapat ko sa kanya ang dalawang kamay ko para pakalmahin siya. "Diba sinabihan na kitang susunduin kita pagkatapos ng trabaho mo? Nakalimutan mo na ba?"

Inikot nito ang mga mata niya at humalukipkip. "May sinabi ba akong sasama ako sayo? Paano kung gahasain mo ako? Paano kung kasali ka pala sa wakwak tiyan gang?"

What the hell?

"Listen, hindi ako masamang tao. Magtiwala ka lang sa akin. Iuuwi kita sa bahay ninyo ng walang galos. Hindi kita hahawakan. May pag-uusapan lang tayo."

One Sweet Glimpse (Season 1&2: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon