-16- Go Or Stay?

77.7K 2.1K 362
                                    

***16***

"Totoo bang may girlfriend ka na?"

Naglalakad ako sa campus nang makasalubong ko si Ate Alexa. At imbes na kamustahin niya ako ay yun agad ang ibinungad niya sa akin.

"Long story to tell," I remarked indignantly.

"I don't want you to tell the whole story. Oo o hindi lang ang gusto kong malaman na sagot mo. Baka kasi na-hack lang yung Facebook account mo at may crazy fangirl na---"

"Ate, walang naghack. Totoo yun."

She gawked open-mouthed as she looked to me. "Finally!"

"But it's not what you think it is."

"You're confusing me pero I'm happy for you." Niyakap niya ako at hinawakan ang ulo ko gaya ng ginagawa niya noong mga bata pa kami. Pero iba na ngayon. Sa tuwing gagawin niya yun ay nayayamot ako.

"Stop it. Tsk."

"Natutuwa lang naman ako kasi finally, nagkagirlfriend ka na rin. Akala ko forever in despair ka, bro e," she said in a sing-song voice before she tapped my arm and added. "When will you introduce her to the family?"

I pursed my lips as an answer. There's no way I will introduce her to my family.

"Hmp! Masyado ka nang secretive ngayon, bro. Basta ipakilala mo ako sa kanya ha? What's her name again? Carla... Ty? Carla Sy?" She paused for a bit more before she clapped her hands. "Sounds like Chinese diba?"

"It's Carlene Sy..."

"Mismo!"

Kung ano-anong itinatanong niya sa akin tungkol sa bagong girlfriend ko kuno. At dahil wala naman akong maisasagot ay panay ang pagkibit-balikat lang ang ginagawa ko. Pinipigilan ko nalang na 'wag mairita sa kaingayan ni Ate Alexa. Naturingang Dean ng College of Business pero nawawala naman ang pagiging sopistikada kapag ako ang kaharap niya.

"Creative Writing ang course niya? That's cool. Sayang, hindi siya sa Department ko," sabi niya habang binabaybay namin ang E.H.U campus. Maaga pa naman para maglunch at mamaya pa naman ang next class ko kaya ayos lang na maglakad-lakad.

"Siya ba yung acceptor ng---"

"No, she's not," mabilis kong putol sa sinabi niya. There was a brief silence between us until she broke it off. Hindi si Carlene ang nakatanggap ng mga mata ni Fatima kundi si Yasmin.

"I see." Humarap siya sa akin kaya napatigil kami sa paglalakad. She had to raise her head to meet my gaze because she wasn't that tall. "Basta kapag ready ka nang ipakilala siya, nandito lang ako ha? I'm glad that you've moved on already, Alexander."

Have I moved on already?

"S...sure, Ate. Thanks."

"Yuko ka ulit. Gusto kong hawakan ang ulo mo," nakangiting sabi niya kaya sumimangot ako. "Joke lang. Sumobra ka naman sa tangkad, bro. Parang mas matanda ka pa sa akin."

I maintained a straight face as she smiled expectantly to me. "Wala ka bang naiwang trabaho sa office mo?"

"Meron. Babalik na ako sa office ko. Hatid mo ako."

"Ang laki mo na pero nagpapahatid ka pa," nakangiting sabi ko sa kanya kaya sinabayan ko na siya sa paglalakad. Hindi pa man kami nakakalayo sa lugar na 'yon ay nakasalubong namin sa daan si Yasmin. Nang magsalubong ang mga mata namin ay yumuko siya at lumihis ng daan.

Was there something wrong with her again? Kagabi pa siya malungkot. Hindi naman siya ganyan nang ihatid ko siya sa bahay niya kagabi.

"Alex?"

One Sweet Glimpse (Season 1&2: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon