-6- New Friend

93.9K 2.4K 233
                                    

***6***


"Nakakainis!!!"

Pinagmamasdan ko lang si Yasmin na maglabas ng sama ng loob habang umiinom. Ayoko sana siyang pagbigyan na uminom pa pero mapilit siya. Kaya eto, pinagbigyan ko na. This would be the last time I'll let her get drunk. Mabuti sana kung kaya niyang i-manage ang sarili niya, pwede pa siyang uminom, kaso hindi eh. Para siyang nagwawalang bata ngayong lasing siya.

"G-ag0 siya! Isa siyang malaking paasa. Ang bait-bait niya sa akin, tapos wala naman palang malisya yun? Eh !@#$% pala siya eh!!"

Napahilot ako sa sentido ko nang marinig na naman ang malutong niyang mura, kasabay nun ay ang pagtungga niya ng tuloy-tuloy sa bote ng beer na hawak niya. Da-mn this woman! Ang lakas uminom.

"Nakakahiya! Hindi ko na sana... s-sana tinuloy 'to," itinakip niya ang dalawang palad niya sa kanyang mukha at saglit na nanahimik. Wala akong masabi. I have never expected this thing to happen. Masyadong mabilis ang pangyayari. Almost 2 months pa lang siya sa E.H.U. How come she fell inlove that fast?

"Yasmin..." Tawag ko sa kanya, hindi siya sumagot. Nakaupo ako sa pang-isahang sofa sa bandang kaliwa niya. "Yasmin, ba't mo ba yun nagustuhan? Masyado naman yatang mabilis 'yan."

Natigilan ako nung biglang niyang hinampas ang gilid ng sofa. "Mabait nga kasi siya! Gwapo! Maasikaso! Palangiti. Ahh, basta! Gustong-gusto ko siya!"

"Hindi kaya nabibigla ka lang? Come to think of it, masyadong---"

Nabigla ako nung tignan niya ako ng masama sabay sigaw ng, "WALA KANG ALAM!"

Tsk. Marahil wala nga akong alam. Hindi pa naman ako well-experienced sa mga ganitong bagay, pero nag-aalala lang naman ako sa kanya. Hindi dahil ako ang sumusustento sa kanya kundi bilang kaibigan na rin.

"Yasmin," kalmadong sabi ko. "Sige, gustong-gusto mo nga siya, pero you should face the truth. Ayaw niya sayo." I paused, waited for her respond. She didn't utter a word nor blinked her eyes. "So, ang mabuti pa, kalimutan mo na siya."

Lumabi siya, halatang pinipigilan ang pagtulo ng luha niya. "P-paano ko gagawin yun, eh blockmates kami? Lagi ko silang nakikita nung Carlene na yun!"

"Edi pilitin mong 'wag pansinin. Lilipas din yan. Hangga't maaga pa, pigilan mo na, okay??" Madiing ko sabi na para bang pinapahiwatig ko na sundin nalang niya ang sinasabi ko.

Matagal siyang hindi umimik. Nakatitig lang siya sa akin na may matigas na ekspresyon. Mayamaya lang ay sumandal na siya sa headrest ng sofa at pumikit. "Susubukan ko, Alex."

I shook my head as I smiled. "Do it rather."

One thing is for sure. Yasmin may be tough yet inside, she's fragile. Girls are girls.


***

Kinabukasan, napabalikwas ako sa pagkakaupo nung makita ko ang sarili ko sa sofa. Dito na pala ako nakatulog kagabi. Medyo ginalaw-galaw ko pa ang leeg ko dahil medyo nangangalay ito. Medyo malabo pa ang mga mata ko, pero pinilit ko pa ring tumingin sa mahabang sofa kung saan ko naiwanang natutulog si Yasmin kagabi.

At wala siya dun. Nasaan na yun?

"Yasmin???"

Tumayo ako at nag-unat. Pumunta ako sa kusina para hanapin siya, at dun ko siya naabutang nagsusulat sa lamesa. Mukhang seryoso siya sa ginagawa niya.

"Good morning," I greeted, catching her attention.

Huminto siya at tinignan ako saglit, pagkatapos ay bumalik ulit sa ginagawa niya.

One Sweet Glimpse (Season 1&2: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon