-10- Revelation

77.2K 2.2K 164
                                    

***10*** REVELATION

Ngayon ko napagtanto sa sarili ko na maling isinama ko si Carlene dito sa Tagaytay. Gusto ko siyang tulungang makatakas saglit sa pinagdadaanan niya ngayon, pero mukhang hindi ako ang tamang tao para gawin iyon. Isang bagong kaibigan lang naman ako. Nandyan naman si Blue para damayan siya. Naging pakielamero pa yata ang kinalabasan ko nito.

"Ano kayang pinagtatalunan nila, 'no?"

Nagkibit-balikat nalang ako sa tanong ni Yasmin. Nakaupo kami ngayon sa compartment ng kotse ko, hinihintay na matapos si Carlene sa pakikipag-usap kay Blue.

Muling nilingon ni Yasmin ang direksyon kung saan nag-uusap ang dalawa-- sa kabilang kalsada, dun sa puno. Hindi matao dun kaya naman rinig na rinig namin ang mga boses nila mula rito sa kinaroroonan namin.

"Nagsisigawan sila," sabi ni Yasmin. They were yelling at each other but their voices weren't clear. Hindi rin naman maintindihan kung anong pinag-uusapan nila. Napailing nalang ako ng ulo.

"Umuwi na kaya tayo?"

"Pa'no si Carlene?"

"Nandyan naman si Blue. Hayaan na natin silang mag-usap."

Bababa na sana ako nang pigilan ako ni Yasmin sa braso. "Baliw. Ikaw ang nagdala sa kanya dito tapos iiwanan mo lang siya sa ere?" Nagulat ako sa sinabi niya. Kung sabagay, tama siya. "At saka, mag-aalala si Tita Janice kapag hindi tayo umuwi nang kasama si Carlene."

Tumingin nalang ako sa harapan namin at pinagmasdan ang bawat sasakyan na dumadaan. Nagtataka ako kung bakit nandito si Blue. Ano 'yon, nagkataon lang? Instinct na nandito sa Tagaytay si Carlene? Tss. Ang laki-laki ng Pilipinas, pero nagkataon na dito siya napadpad? That's bull.

"Paano nalaman ni Blue na nandito si Carlene? Pati ako, naguguluhan na rin kung ano ang relasyon nilang dalawa," seryosong sambit ko.

Binalingan ko si Yasmin nang marinig ko siyang tumawa nang mahina. Kumunot ang noo ko. Isang nakakalokong tawa ang pinakawalan niya. "Nakita ko kasi sa status sa facebook ni Blue nung isang gabi na namimiss niya na raw si Carlene."

"So it's you who told him?"

Ngumiti siya nang nakakaloko sa akin, samantalang halos magkasalubong naman ang dalawang kilay ko. Ginawa niya 'yon?

"Yasmin, ano bang ginawa mo?"

"Bakit ba? Okay na 'yon para makauwi na si Carlene. Hindi mo ba naisip na may nag-aalala sa kanya? Gaga kasi itong si Carlene eh. Pa-self pity! Hindi pa naman katapusan ng mundo niya kapag naghiwalay ang parents niya. OA!"

Napasapo nalang ako sa noo ko sa sinabi niya. Naguguluhan na talaga ako sa takbo ng utak niya. Kanina lang sinabi niya na hindi ko dapat iwanan si Carlene sa ere. Ako na nga itong hinahayaan siya kay Blue ngayon pero pinigilan pa ako. What the hell should I do now?

"I give up," I raised both of my hands in surrender as I shook my head slowly. "Hindi ko kaya ang takbo ng utak mo. Sobrang gulo, Yasmin."

"Anong magulo dun?"

"Ayaw mong iwanan natin si Carlene kay Blue ngayon, pero gusto mo naman pauwiin na siya sa Maynila kaya mo sinabi kay Blue na nandito siya. What the fvck should we do to her now? Tell me."

She burst out laughing as she clutched her stomach. Halos mahiga na siya sa kotse at hindi na halos makahinga sa kakatawa. This girl is weird. Oh, Fatima, pakibulungan naman ang babaeng ito para tumino. Tsk!

"Shet ka! Pinapatawa mo ako!" sabay tawa na naman niya. Kasabay no'n ay narinig ko ang pagbukas ng pinto sa passenger's side kaya napalingon ako roon. Nakita ko ang blangkong mukha ni Carlene.

One Sweet Glimpse (Season 1&2: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon