-11- No Malice

94.2K 2.2K 361
                                    

***11***

Now, I'm sure of it. Ginagamit lang pala ako ni Carlene. I never thought she'd use me this way. Simula nang maging kaibigan ko siya ay mas lalo yatang nagulo ang buhay ko. Akala ko, si Yasmin lang ang dapat kong alalahanin, pero pati siya ay nakisabit na rin.

Am I that gullible?

"... Okay lang sana kung si Yasmin, e. Tutal ako naman ang pumasok sa buhay niya. Might as well help her when she's in need, right? But not to the extent that we'll harm anybody. Simula nang mapagdesisyonan kong tulungan siya ay responsibilidad ko na siya, hindi ba, Fatima?"

I groaned aloud as my right arm landed on my forehead. Dalawang araw na akong nababagabag sa ideyang ginagamit lang ako ng dalawang babaeng kakakilala ko lang. At dalawang araw na rin ang nakalipas nang mag-usap kami ni Carlene. Since then, I've always got myself away from them. Gusto kong mapag-isa.

"Fatima, tama ba talagang tinulungan ko si Yasmin? Ginawa ko lang naman 'yon dahil nag-alala ako sa kalagayan ng taong pinagbigyan mo ng mga mata mo. Pero tama pa ba 'tong ginagawa ko? Parang mali na, e. Parang sobra na."

Nandito ako ngayon sa puntod niya. Nakahiga sa sahig sa loob ng munting bahay na ipinatayo ko para sa kanya. Dal'wang araw na rin akong pabalik-balik dito. Kung pwede nga lang akong matulog dito ay ginawa ko na pero hindi ko pwedeng gawin 'yon hangga't nandito pa sina Yasmin at Carlene. Ayokong malaman nila ang lugar na ito.

"Tsk! This is frustrating," I mumbled as I got up, staring down at the gravestone. "Pagkatapos ng bagong taon, iiwasan ko na sila. Tutulong ako kay Yasmin pero sa financial lang. Other than, I don't wanna be involved with her."

Bigla na namang bumalik sa isip ko ang ngiti ni Carlene habang sinasabi niyang isa akong threat kay Blue. Napailing nalang ako ng ulo. Threat? Wala akong pakielam kung itinuturing niya akong threat. His existence doesn't matter to me at all.

"Alex? Nandito ka lang pala."

Nilingon ko ang nagsalita. Relieved, I breathed deeply when I saw Tita Janice standing by the door. She was all smiles as usual.

"Nagbreakfast ka na ba? Ang aga mo naman dito."

"Binibisita ko lang po si Fatima."

Her face softened, her smile never vanished. "Hindi mo pa rin talaga kinakalimutan si Fatima, 'no?"

Umiwas ako ng tingin at binalingan ang lapida ni Fatima. Hindi ko siya makalimutan dahil mahirap... at dahil ayoko.

"Alex, why don't you move on?"

Natigilan ako. Sa anim na taong lumipas, ito ang unang pagkakataon na sinabihan ako ni Tita Janice ng ganito. It's just so... unusual.

"Tita..."

"I mean, it's been 6 years, Alex. Alam kong sobra mong minahal ang anak ko pero hindi mo ba naisip na kailangan mo na ring sumaya? Na kailangan mo na ring maghanap ng... pa'no ko ba sasabihin 'to?" She stopped and then glanced at me hesitantly. "You know, new girlfriend?"

My chest tightened at the idea of me getting a new girlfriend. Ayoko. Hindi ko kaya. Para sa akin, si Fatima pa rin ang girlfriend ko. "Tita--"

Tila nabasa niya ang ekspresyon sa mukha ko kaya pinutol niya ang sasabihin ko. "'Wag mong sabihing ayaw mo?" She gawked at me, surprised. "Oh, no, Alex. Don't you dare say a word. Six years of grief is enough. I'm not telling you to forget about my daughter dahil alam kong mahirap yun para sayo. Ang akin lang, itinuturing na kitang sariling anak, gusto kong sumaya ka naman. "

She heaved a sigh as she flashed a casual smile to me. My mind was still blank though.

"Fatima wouldn't be happy seeing you like this. Knowing her, she would want to see you happy even without her."

One Sweet Glimpse (Season 1&2: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon