-4- Her 5 Reasons

91.7K 2.4K 134
                                    

***4*** Her 5 Reasons

Tama ba ang ginawa ko? Yun lang nasa isip ko buong gabi matapos humingi sa akin ng sampung libo si Yasmin. Kahit nagdadalawang-isip ako ay napagdesisyunan kong magdeposit nalang sa ATM card niya. Ewan ko ba. Tuwing naaalala ko ang paraan ng pakikipag-usap niya sa akin kagabi sa phone ay parang may naramdaman akong pag-aalala. Saan niya kaya gagamitin ang pera?

Nababahala talaga ako kung saan niya gagamitin yun. Wala naman na siyang dapat pagkagastusan sa pag-aaral niya. Zero balance na yun dahil sponsored na siya. Kumpleto na rin naman siya sa gamit. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip sa sinabi sa akin ni Arthur nung nakaraan. Hindi ko pa nga lubusang kilala si Yasmin.

"Alex..."

Tumingin ako sa tumawag sa akin. Si Bruno. Tinanguan ko lang siya at sinenyasan na umupo sa kaharap kong upuan.

"'Tol, ba't naman dito?" Inikot niya ang paningin sa coffee shop kung saan ko siya pinapunta. Kailangan ko siyang tanungin tungkol kay Yasmin kaya ko siya pinapunta dito. "Wala akong budget ngayon. 'Di pa ako sumusweldo," bulong niya.

I smiled assuringly to him as I glided the frappe and the cheesecake toward him. "Ako ang magbabayad. 'Wag kang mag-alala."

"Yun naman pala," huminga siya ng maluwag at sinimsim na ang kanyang frappe. "Bakit mo nga pala ako pinatawag? May pupuntahan sana ako pero mas inuna muna kita."

"Saglit lang 'to. Pasensya na kung nakaabala ako. May itatanong lang ako sa'yo."

Tumaas ang isa niyang kilay. "Tungkol ba kay Yasmin?"

Medyo nabigla ako sa tinanong niya sa akin. Am I that easy to read now? "Oo. I want you to keep this talk as a secret. Gusto ko siyang sundan pero hindi ko yun magawa. Baka lumabas na naman akong stalker kapag nahuli niya ako." At ayokong tinatawag na ganun.

Sumubo siya ng cheesecake, habang ako naman ay humigop sa cappuccino ko. "Sige, tutal naman, ikaw ang tumutulong sa kanya ngayon. Ano ba yun?"

"Si Yasmin kasi, humingi ng 10 thousand sa sponsor niya. Wala siyang sinabing dahilan. May alam ka ba tungkol dito?" Diretso kong tanong.

"Sampung libo?" Tanong niya at tumango naman ako. "Kailan siya humingi?"

"Kahapon lang..."

Napatingin siya sa kaliwang gilid niya na tila ba'y nag-iisip. Maya-maya ay napatango siya at tumingin na sa akin. "Mukhang alam ko na kung bakit."

"Ano?"

Mabilis niya munang inubos ang cheesecake at kinuha ang frappe bago siya tumayo at sinenyasan akong umalis na. "Tara, mas mabuti pa kung pupuntahin natin siya. Siya na ang pagpaliwanagin mo."

Ang hindi masabi sa aking dahilan ni Yasmin ay alam ni Bruno. Hindi pa rin ba niya ako kayang pagkatiwalaan?

***

"Dito ako dapat pupunta, pero tinawagan mo ako." Yan ang sabi sa akin ni Bruno nang makarating kami sa tapat ng isang pampublikong ospital. Nakatitig lang ako sa entrance nito mula sa loob ng kotse. Ano namang gagawin ni Yasmin dito?

"Sigurado ka bang nandito siya?" Tanong ko.

Bago siya sumagot ay binuksan muna niya ang pinto sa gilid niya. "Oo. Tara na, 'tol. Pumasok na tayo sa loob."

I don't know why I felt my chest pounded as hard as it could. Kinakabahan ako. Sh-it. Ewan ko ba. Matapos ng nangyari kay Fatima ilang taon na ang nakakalipas ay hindi na ako kumportableng pumunta sa ospital.

"Ano bang ginagawa niya dito, Bruno?" I asked while following his pace. Maraming tao ang nandito. Hindi ko yata kakayanin ang amoy ng ospital na ito kung magtatagal pa ako dito. Nakakahilo.

One Sweet Glimpse (Season 1&2: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon