-10-

143K 3.6K 451
                                    

***10***

"Pwede po ba akong humingi ng permiso para ligawan ang anak niyo?"

Halos higitin ko na ang hininga ko pagkatapos kong itanong yun sa mommy ni Fatima. Yumuko pa ako ng konti para naman hindi ko makita ang reaksyon niya. Pakshet, I've never been this nervous before.

"Of course..."

Napatingin ako sa kanya at talagang lumaki ang mga mata ko sa sagot niya. "Seryoso po kayo?"

Tumawa siya ng mahina tapos ay hinila niya ako few meters away from her car. "Pwede naman. Hindi naman sa inuudyukan ko na magboyfriend yang anak ko ha, pero kasi normal naman yan sa teenagers eh. At saka kasi natutuwa ako sayong bata ka. Talagang pinaalam mo pa sa akin!"

I smiled widely. "Thanks po, Tita."

"No problem. Buti nalang talaga, kilala ko ang first ever suitor ni Fatima." Tapos ay tinap niya ang balikat ko at nginitian ako. "Baka naman kayo na talaga, tapos kunwari lang yang panghihingi mo ng permiso sa akin ah."

I waved my hands off her, dismissing her thought. "No, Tita. We're just bestfriends."

She smiled, "Nakakatuwa ka talaga. May tiwala ako sayo..." Mas lalo tuloy akong napangiti sa sinabi ni Tita Janice. I really felt relieved, "Ang kaso Alex, hindi siya nagpapaligaw eh."

"Uh..."

"Okay lang yan. Basta, ikaw na ang bahalang mapapayag na ligawan siya ha? Don't worry, I'll encourage her for you. Malakas ka sa akin eh..."

Pagkatapos ng usapan namin ng Mommy ni Fatima ay umuwi na ako na may pangiti-ngiti pa. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ako ngumiti-ngiti mag-isa. Mapagkakamalan akong baliw nito eh. Ewan. Hindi ko matago kung gaano ako kasaya ngayon. Buti nalang talaga, legal ako sa panliligaw kay Fatima.

"Alex, good mood?" Bungad sa akin ni Dad pagkapasok ko ng bahay. "Kamusta?"

"Been good..." Sagot ko tapos ay umupo ako sa tabi niya sa hagdan. If you're going to ask me why Dad always sits here, forget about it. I don't know either. He's just that weird.

"Uuwi na si Alexa bukas dito."

"For good?"

"Nope, nag-leave of absence lang siya for 1 week. She's going to pay us a visit."

"That's nice. Tell her that my size is 10."

"Nasabi ko na yan. Lumaki nga raw ang paa mo."

I laughed a bit, "Matagal na kasi siyang hindi nakakauwi dito kaya hindi niya na nasubaybayan ang paglaki ng paa ko, even my body and height."

"Anyway, kamusta yung gang mo?"

I looked back at him. He sounded interested about my gang. "We're going strong. Ayos. Masaya. Brotherhood. All-in-one na."

"Good... Just don't you dare kill somebody, okay? I don't wanna see you in jail, Alex."

I chuckled in reply. Killing is not in our vocabulary. We treat humans as humans. Hindi kami katulad ng ibang gang na kahit makapatay ng tao, ayos lang sa kanila.

Silence. It has been a minute of silence. I sighed and changed my position. I'm now sitting beside him. "Dad, can I ask you again?" He nodded. "Pa'no po ba..."

"Ano?"

"Never mind..."

Tatayo na sana ako kaso pwersahan akong pinaupo ulit ni Dad. "What is it?"

"I shouldn't ask you this."

"What?"

Napakamot ako sa batok ko habang nakatingin sa sapatos ko.

One Sweet Glimpse (Season 1&2: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon