-Epilogue-

138K 3.1K 739
                                    


-EPILOGUE-

♪♪ I'll make a wish for you

And hope it will come true

That life will just be kind

To such a gentle mind

If you lose your way

Think back on yesterday

Remember me this way

Remember me this way ♪♪

Natapos na ang kanta nang walang umiimik. All I can hear are the chirping birds. She snapped her fingers before my face and giggled to break the silence.

"Natulala na si Alex. Ayaw pa i-stop ang video... Hihihi!" She cleared her throat. Itinapat niya pa ang mukha niya sa phone ko. "I love you, Aleeeeeex~"

That made me smile and whispered, "I love you more, Fatima."

As the video ended, I turned off my Ipad and set it aside. Hindi ako nagsasawang ulit-uliting panuorin ang video na yun ni Fatima. It was taken 6 years ago before Fatima died. Hindi ko makakalimutan ang araw na yun dahil dito rin sa lugar na ito yun nangyari. Dito kung saan paborito ni Fatima ang lugar.

Ang cliff.

5 years ago, Fatima brought me here. Kung noon ay parang isang abandonadong lote ito, ngayon naman ay animo'y isa na itong garden. Sa loob ng apat na taon, marami na akong napagawa para sa lugar na ito. I still may be a student but then I tried my best to buy this lot. Not the whole lot though. I only paid for the ¼ of the land particularly the most favorite spot of Fatima.

Una siyang nilibing sa Maynila pero makalipas ang isang taon ay nailipat na rin ang mga labi niya dito sa Tagaytay matapos kong bilhin ang lote na ito. Sa una, tumanggi ang mga magulang ni Fatima sa alok ko. Na kesyo, bakit kailangan ko pang pagkagastusan si Fatima gayung marami na akong naitulong sa kanila. Kung hindi ko pa sinabi na isa ito sa mga pangarap ni Fatima noong nabubuhay pa siya, malamang hindi pa rin sila papayag.

Paunti-unti kong tinutupad ang pangarap niya kahit na sumakabilang buhay na siya. Tandang-tanda ko pa noon na sinabi niyang gusto niya itong bilhin kaya yun ang ginawa ko. Gustuhin ko man na bilihin ang buong lupa, pero inaamin ko na hindi ko pa kaya yun gawin sa ngayon. Hindi pa naman kasi kalakihan ang naiipon na pera ko na nakukuha ko sa tuwing lumalaban ang gang namin sa underground fight. And besides, I don't have to do that anymore for her parents already bought the whole lot and built a house.

Tumayo ako at muling tinitigan ang puntod kung saan inilibing si Fatima. Anim na taon na ang nakalipas nang iniwan niya kami. Sa limang taon na yun, marami ang nangyari sa akin. Inaamin ko, sobrang nalungkot ako nang mamatay si Fatima. I even got back into my rebel self again. Tatlong buwan din akong hindi naging aktibo sa eskwelahan. Dumating pa nga sa punto na kitilin nalang sana ang sarili kong buhay dahil sa sobrang depression na dinanas ko.

"Mag-promise ka sa akin na hindi ka malulungkot. Gusto ko lagi kang nakangiti, Alex. Ayoko nang masungit na Alex. Ayoko ng aloof na Alex. Gusto ko ang current na Alex. Promise me that you'll stay the way you are. Please?"

"Thank you for e-everything, Alex... Yung promise mo sa akin ha? Tutuparin mo..."

But something struck in my mind. I've thought of what would Fatima feel if she's still by my side. Alam kong ayaw niya akong mapariwara na naman. Besides, she was the one who changed me. Kahit na mahirap, kinaya ko pa rin na tanggapin na wala na si Fatima. No, she didn't left me... I know she's just up there watching over me. Nangako pa ako sa kanya na hindi ako magbabago kapag nawala siya. Ayoko siyang biguin.

One Sweet Glimpse (Season 1&2: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon