-14- Putting On A Smile

74.9K 2.2K 109
                                    

***14***

Back to school. Christmas vacation is finally over and I'm thankful for that. At least, hindi na ako mababagot sa bahay. Since New year, hindi na muna ako naglalalabas ng bahay. Gusto ko lang munang manahimik. Gusto kong magpalamig.

Habang naglalakad ako sa campus, nahagip ng paningin ko ang isang lalaking nakaupo sa bench sa harap ng College of Business. As usual, nag-iisa siya. Malalim na naman ang iniisip. Nilapitan ko siya at tinabihan.

Huminga muna ako ng malalim bago siya kinausap. "Nakasimangot ka ba noong sinalubong mo ang bagong taon kaya ka nakasimangot dyan?" I tried to crack a joke but I think I failed. Nice try though.

Malapit na kaibigan ko si Kurt. Kung naging tar.antado man ako noon, isa siya sa mga dahilan kung bakit ako naging malakas ngayon. Dahil sa isang kalokohan, nagbunga ang grupo namin. Hindi lamang grupo kundi brotherhood--- isang pamilya.

"Magiging ayos din ang lahat, Master," I said, trying to cheer him up.

"Sa tingin mo?" tanong niya.

"Oo, babalik siya."

Binalingan niya ako saka ito umiling. "Nasa huli talaga ang pagsisisi. Siya dapat ang pinili ko."

Bumuntong-hininga ako. Wala akong ibang magagawa kundi ang maging isa sa mga sandigan niya ngayong lugmok na lugmok siya.

"Mahal mo naman pala kasi siya, pero pinakawalan mo pa. Wala na. Nangyari na. Tapos na. Pasasaan pa't naging pinuno ka namin," sabi ko at bahagyang ngumiti. "Habang wala siya, subukan mo munang mabuhay ng wala si Gail. You can't stay like this for long. You need to be tough."

Tumungo siya at bumalik na naman sa pag-iisip ng malalim. At least, I tried consoling him.

Wala nang nagsalita sa aming dalawa pagkatapos no'n. The day was so gloomy that I could even feel so lazy to attend class.

May mangilan-ngilan na akong nakikitang mga kaklase ko na papasok na sa building namin. I assumed they're going to attend the class too. Kahit na tinatamad na ako ay tumayo na ako. Mas nakakatamad kung uuwi ako sa bahay. At least dito may iba akong ginagawa.

"Mauna na ako sa'yo. May klase pa ako, Kurt."

Tumango lang siya kaya naman naglakad na ako paalis. I was about to take the stairs when I heard someone call my name.

"Alex!"

Nilingon ko ang kung sinumang iyon. Nakita ko si Carlene na natatarantang tumatakbo palapit sa akin. Nagtaka tuloy ako.

"Carlene..."

She breathed deeply before she held on to my wrist. "Alex, si Y...asmin. Sinugod sa clinic."

Hindi na ako nagdalawang-isip na takbuhin ang clinic sa admin building. Ni hindi ko na rin napansin na naiwan ko na si Carlene sa pagtakbo. Basta ang nasa isip ko ay si Yasmin. Anong nangyari sa sa kanya?

"Si Yasmin?" tanong ko sa nurse nang makarating ako sa clinic. She was writing something on the paper so she perked up to look at me.

"Yasmin Jacinto? Nasa loob siya. Nagpapahinga."

"Is she okay?"

Matipid siyang ngumiti saka siya tumango. Sigh of relief it is. Sa sobrang hingal ko ay umupo muna ako sa silya sa harapan niya. Inabutan naman niya ako ng tubig kaya tinanggap ko 'yon. "Thank you," I answered. "Ano nga palang nangyari kay Yasmin?"

Before she could answer, Carlene appeared in the clinic. She was also panting real hard, so I tapped the chair next to me and handed her the bottled water I was drinking.

One Sweet Glimpse (Season 1&2: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon