-21- Her Side

77K 2.2K 212
                                    

***21***  HER SIDE

"Are you sure about this?" Arthur asked seriously to me. Pinapunta ko siya sa condo unit ko kinabukasan matapos kong makausap si Dad. I also told him the whole story. Everything, even Yasmin's condition. Wala na rin naman akong maitatago sa kanya dahil alam na niya ang tungkol kay Yasmin.

"Sigurado na ako. Papanagutan ko siya," I answered firmly.

Nakatitig lang siya sa akin at hindi na nagsalita pa. Alam kong nadismaya siya sa desisyon ko base sa reaksyon niya.

Kahapon, nang mag-usap kami ni Dad, hindi ko alam pero pakiramdam ko ay isang malaking desisyon ang gagawin ko--  na sa desisyong ito ay mababago ang takbo ng buhay ko.

Alam kong mahirap pero gustong-gusto ko talaga si Yasmin at lahat gagawin ko para mapabuti ang kalagayan niya.

"Aakuin mo ang ipinagbubuntis niya?" hindi makapaniwalang tanong ni Dad. Bumuntong-hininga ako at taas-noong itinango ang ulo ko.

"Kung yun ang makabubuti sa kanya, yun ang gagawin ko, Dad."

His face hardened and worry etched across his face. "Hindi basta-basta ang pagpapakasal---"

"Gusto ko siya, Dad. At gusto kong gawin 'yon dahil ayokong mahiwalay sa kanya," I retorted in a hard voice. "Pakakasalan ko si Yasmin."

He sighed deeply and I don't know if what that sigh is for. Nakumpirma ko lang iyon nang magsalita siya matapos ang iang minutong hindi pagsasalita.

"Sinabi ko namang susuportahan kita sa kagustuhan mo diba? Pero masyadong kumplikado ang papasukin mo, Alex. Handa ka na ba?"

Hindi ko inalis ang pagkakatitig ko sa mga mata ng ama ko. Alam kong biglaan itong desisyon ko pero wala na akong ibang gusto bukod sa makasama si Yasmin. Nasanay na ako sa presensya niya at nasasaktan ako kapag nagtatangka siyang lumayo sa akin.

"Handa na po ako."

He heaved out a sigh again as he gave me a warm hug. "Sige, pumapayag na ako, pero kailangan mong ipakita sa akin ang diploma mo bago mo gawin ang gusto mo."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. I felt somewhat relieved. "D-dad..."

"'Wag ka munang magpasalamat. Asikasuhin mo muna ang pag-aaral mo at siguraduhin mong papayag ang babaeng gusto mo na magpakasal sayo. Saka mo na siya ipakilala sa amin kapag nasunod na ang kundisyon ko."

Nabalik ako sa realidad nang tapikin ni Arthur ang balikat ko pagkatapos ay sinalinan niya ako ng orange juice sa baso ko.

"Kung 'yan ang gusto mo, susuportahan kita, dude. Kampai!"

Sinunod ko ang sinabi sa akin ni Dad. Hindi ko alam pero naging motivation ko 'yon para pumasok sa mga klase ko nung mga sumunod na araw. Hindi ko rin kinakalimutan na kamustahin si Yasmin kay Bruno. Tatlong araw na akong hindi nakakadalaw doon. Mabuti na rin yun dahil alam kong hindi pa pisikal na maayos si Yasmin.

One fine Friday, I decided to go straight to the hospital which Yasmin was into. Hindi man siya inilipat ng ospital dahil hindi raw ito pumayag ay napalipat naman siya sa isang solong kwarto. It was much better than the ward she was into a few days ago.

"How's she?" tanong ko kay Bruno. Tinext ko siya para lumabas ng kwarto. Hindi ko kasi alam kung papasok na ba ako o hindi. Ayokong ma-stress na naman siya.

"Pwede na raw siyang lumabas ng ospital."

I sighed in relief as I turned to look at her door. "Gising ba siya?"

One Sweet Glimpse (Season 1&2: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon