-22- Responsibilities

69.7K 2.2K 272
                                    

***22***

Panay ang paghikab ko noong sumunod na araw. Hindi ako nakatulog kagabi ng maayos sa kakaisip ko kung paano ko mapapaamo si Yasmin. This may sound odd, but the thought of proposing to her in a romantic way is so hard for me. Nakalimutan ko na yata kung paano mag-please ng babae, at idagdag pa ang ideyang hindi basta-bastang babae ang pinag-uusapan dito.

Yasmin is one heck of a stubborn girl. Kahit na gusto niya, hindi niya gagawin. Kahit na pwede namang gawin, kinokontra niya. Ganun katigas ang ulo niya... At isa yun sa mga dahilan kung bakit ko siya nagustuhan.

Kasalukuyang akong nasa gitna ng Business Law class ko. Halata sa mga kaklase ko ang pagkabagot sa subject na ito, pero hindi ako. Hindi ko alam kung bakit ginaganahan ako sa pakikinig. Gusto ko nang grumaduate. Gusto ko nang maipakita sa mga magulang ko ang pagmartsa pati na rin ang diploma ko.

Habang tahimik ang paligid at tanging boses lang ng professor ang naririnig sa apat na sulok ng homeroom na ito, pasimple kong inilabas ang cellphone ko. Nakasanayan ko nang i-check ito every now and then simula ng pangyayari kay Yasmin.

Wala man lang akong message na natanggap. Kung sabagay, kakacheck ko lang naman half hour ago. I decided to send Bruno a message asking him;


Me: Kamusta si Yasmin? Kumakain ba siya sa tamang oras?

Pagkasend ko ay ibinalik ko sa loob ng bulsa ang phone ko at bumalik sa pakikinig sa discussion. I couldn't be able to check Yasmin directly because of our situation but nonetheless, I have my other ways. Kinokontact ko si Bruno pati na rin ang kapatid nito.

I felt my phone vibrated inside my pocket so I fished it out and checked the message.


Bruno: NagkukuL0ng pa rin xa sza kwart0 nia. Ka2tap0z lang nyang mgm!ryendA.

Natigilan ako sa binasa ko. Heck, is it because of me? Sabi ni Bruno, kagabi pa raw nagkukulong si Yasmin sa kwarto niya. Tsk! I typed in my reply to his message right away.

Me: Alamin mo kung anong gusto niya para mabili ko para sa kanya. Don't mention my name to her. Sabihin mo ikaw ang bibili.

I was about to tap the send button when I heard the professor declare, "Class dismiss. See you next meeting," he said and went off.

Binura ko naman agad ang nauna kong itinype. Mas mabuti siguro kung ako nalang mismo ang magpunta roon.

Me: Pakitanong kung anong gusto niya para mabili ko. Pupunta ako dyan ngayon.

As soon as I hit the send button, I stormed out of the homeroom quickly. Ano kaya ang gusto ni Yasmin? Bruno said that she likes mango crepes right now. Siguro bibili nalang ako no'n ng marami. Does she like to drink milk too? Yes, she should. Besides, makakabuti yun sa ipinagbubuntis niya.

Pagkalabas ko ng building, natigilan ako sa lalaking humarang sa dadaanan ko. He was proudly standing there with his hands inside his pocket. There were still a few scratch and wounds on his face and I assumed that he got it from my attack last time. Tss. Serves him right though. Tila bang sinadya niyang hintayin ako. "Alex, pwede ba tayong mag-usap?"

My hands clenched into fists. I couldn't help but to throw a glare at his filthy presence. I started to walk past him but he spoke all of a sudden.

"I can't talk to her right now. I know she hates me," he said as a matter of factly.

I turn to face him and looked at his eyes fiercely. "She loathes you, arsehole," I corrected.

He dropped her eyes to the ground as though he turned into a pathetic animal that was beaten by whoever. "Hindi ko siya kayang panagutan."

One Sweet Glimpse (Season 1&2: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon