-13- New Year

73.9K 2.1K 175
                                    

***13*** NEW YEAR

Days went by so fast. So fast that I didn't notice that today's December 31. New year's eve na pero ewan ko ba at tinatamad akong bumangon sa kama. Pakiramdam ko, ang bigat ng katawan ko. Sinubukan kong bumaling pero umikot bigla ang paningin ko.

"Dammit," daing ko at napahawak sa sentido ko. Ang sakit ng ulo ko. Parang binibiyak.

Wala naman akong hangover o kung ano pa man. Wala naman kaming ginawa dito sa bahay kundi ang maglinis, magdilig ng mga halaman sa garden o kung minsan ay namamasyal. Walang magawa e. Lalo na't na-extend pa ang out-of-town vacation nina Tita Janice at Tito Larry. Dapat nga ay uuwi na kami ni Yasmin noong isang araw, pero dahil hindi namin maiwanan ang bahay nang wala ang mga may-ari nito ay nanatili nalang kami dito.

Huminga ako ng malalim at ipinikit ng mariin ang mga mata ko. Sh1t talaga. Sobrang sakit. Nag-iinit pa ang sulok ng mga mata ko. Parang nag-aapoy. Sobrang hapdi kaya ang hirap magmulat.

"Alex!! Kakain na raw sabi ni Yaya Ana!"

Narinig ko ang sigaw ni Yasmin. Hindi man klaro pero alam kong nasa ibaba siya. Pinilit kong buksan ang mga mata ko para tumingin sa oras at napasinghap ako nang makitang 9AM na.

Pinilit kong bumangon kahit mabigat ang katawan ko. Bakit ba kasi ngayon pa sumama ang pakiramdam ko?

I went out of my room and headed downstairs. Dahan-dahan lang ako sa pagbaba dahil umiikot talaga ang paningin ko. I sat down and buried my face when I reached the last step. Fvck, my head's throbbing in pain.

"Hoy, Alex! Anyare sayo dyan?" boses ni Yasmin.

"Wala."

"Anong wala?"

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko. Her stare made me feel conscious instantly, so I l perked up to meet her gaze. "Sumasakit lang ang ulo ko."

"Ang duwag mo naman. Masakit lang ang ulo mo pero umiiyak ka na dyan," ngumisi siya.

What the hell did she just say?

"Hindi ako umiiyak."

"Namumula ang mga mata mo. Loko."

"Tss," umiwas ako ng tingin sabay huminga nang malalim. "Medyo masama lang ang pakiramdam ko."

"Patingin nga!" Ilalapat niya sana ang palad niya sa leeg ko pero mabilis akong tumayo. Muntikan na nga akong matumba dahil nahihilo pa ako pero mabuti nalang ay napasandal ako sa hagdanan. "Ay, ang arte! Titignan lang eh."

"Ayos nga lang ako."

"Sus. Labnat lang yan e. Namimiss mo na siguro ang girlfriend mo." She grinned and got up to her feet. "Tara na nga. Kumain na tayo. Luluwas pa tayo ng Maynila diba?" She stopped and by the look of her, she seemed to realize something. "--- pero kung hindi mo kayang bumyahe, siguro ang mabuti pa dito nalang tayo magcelebrate ng bagong taon."

"Hindi. Ayos lang ako."

Hindi naman talaga ako maayos. Katunayan, sobrang sakit talaga ng ulo ko. Buti na nga lang at nakainom ako ng gamot kanina kaya medyo nababawasan na ang pagkirot ng sentido ko habang bumabyahe kami paluwas ng Maynila.

"Hindi ba talaga magagalit sina Tita Janice na umalis tayo nang 'di sila dumadating?" tanong niya no'ng maipit kami sa traffic. Kaunti nalang at malapit na kami sa dating bahay niya.

"Okay lang 'yon. Siya na rin naman ang nagsabi na next week pa sila uuwi. Hindi naman pwedeng magstay tayo do'n hanggang next week. May pasok na tayo sa January 3 eh."

One Sweet Glimpse (Season 1&2: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon