One Sweet Glimpse Season 2 Prologue

111K 2.6K 150
                                    

ONE SWEET GLIMPSE SEASON 2


PROLOGUE



Life must go on...
... With or without her...


That's what I stick to myself...
Anim na taon na rin pala ang nakalipas simula nang iwan niya ako...
... pero siya pa rin, si Fatima Grace Eugenio pa rin ang mahal ko.


Sa pagkawala niya, maraming nagbago sa akin... sa positibong perspektibo ng buhay ko.
Isinasapuso at isinasaisip ko ang bawat salitang ipinabaon niya sa akin. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya kayang palitan sa puso ko...

Lahat ng tungkol sa kanya ay namimiss ko...

... ang kanyang ngiti

... ang kayang paghagikhik

... ang kanyang pagnguso

... ang kanyang mga galaw

... ang bawat tingin niya sa akin

Ang mga mata niyang paborito kong titigan...

... Her one sweet glimpse that once captivated my heart

What if I see those sweet set of eyes again with another person?

How could I completely move on when I know for sure that her eyes are gazing around me?


... Would I move on or just stay where I've been left?


***


Last week of October na. Isang Linggo na rin ang nakalipas nang malaman ko ang katotohanan tungkol sa pagdodonate ni Fatima ng mga mata niya sa isang babaeng nagngangalang 'Yasmin Jacinto'. Since then, lagi nalang ako nababagabag tungkol dun. Bakit sa isang squatter girl pa niya dinonate ang mga mata niya? Pa'no kung hindi niya ito alagaan ng mabuti? Yun pa naman ang pinakapaborito kong parte ni Fatima; Her sweet set of eyes.

"Puch-a! Tigil-tigil niyo ngayon!"
"G-agooo!! Huwag kang maingay!!"

Takte. Hindi ko rin alam kung ba't na naman ako nandito sa madumi at maingay na lugar na ito. Parang nung isang Linggo lang, nandito ako para makita ang babaeng tinutukoy nila. Ewan ko ba. Hindi ako matahimik. Gusto ko siyang makita ngayon. Gusto ko ulit makita ang mga mata ng girlfriend ko.

Kasalukuyan akong nagmamasid sa paligid habang nasa loob ako ng kotse ko nang bigla nalang may sumulpot na mukha sa nakabukas na bintana nito. I saw that guy again who helped me last week.
"Repa! Nandito ka na naman?"
I smiled a little. One wrong move, they'll surely judge me. "Ah... Napadaan lang."
"Hahaha! T-angna! Sisilay ka lang kay bulag eh."
"Bulag?"
Humagalpak na naman siya ng tawa. Hindi ko alam kung may nakakatawa ba talaga. "Si Yasmeng! Nabansagan na kasi siyang bulag dito. Kahit na nakakakita na siya, nakasanayan na rin ng mga tao na tawagin siya nun."
"Aahh..."
"Tara, repa! Labas ka dyan. Shot tayo?"
Iniling ko ang ulo ko. Mahirap nang makipag-inuman sa mga taong 'di ko kilala. "Salamat nalang. Baka malasing ako, 'di na ako makapagdrive pauwi."
"Kaunti lang! Anokaba! Nandun si Yasmeng sa tapat ng bahay namin. Nagtitinda. Baka kako gusto mo siyang makita. Hindi ako mag-iingay!" Sabi niya pa na may malawak na ngiti. Mukha naman siyang mabait though, para siyang harmful dahil sa mga tattoo niya. "Huwag mo ngang tignan ang mga tattoo ko! Henna lang yan. Pang-porma lang! Hahaha!"
"Okay," sabi ko at lumabas na ng kotse. Wala naman akong gagawin. Kaya ayos lang.
Bago pa namin iwanan ang kotse ko, nakita ko pang sinenyasan ng lalaking ito ang mga bata sa kalsada. Nagsilapitan naman agad sila sa amin.
"Mga bata, bantayan niyo ang kotse ng kaibigan ko. Huwag niyo papadumihan. Huwag niyong pabubutasan ang gulong. Yari kayo sa akin 'pag may gasgas yan!"

Pagkatapos nun ay pumunta na kami sa lugar kung saan una kong nakita si Yasmin. Ewan ko ba dito sa lalaking ito kung ba't panay ang tawag niya ng Yasmeng dun. Ni hindi ko nga rin alam ang pangalan niya.
"Hey, ano nga bang pangalan mo?"
Natawa siya. "Sosyal ka! Hey hey ka pa dyan. Hoy lang eh. Pfft!" Tinapik niya ang braso ko. "Boy Negro tawag sa akin dito, pero Bruno ang pangalan ko."
"Oh, Bruno. Ako si Alex."
"Aahh," inakbayan niya ako at hinila palapit sa harap ng isang sari-sari store kung saan may limang lalaki na nag-iinuman. "Mga repa! Si Alex nga pala. Alex siya si..."
Wala na akong naintindihan sa mga sinasabi ni Bruno. Yung mga mata ko, automatikong napatingin nalang sa pwesto ng nag-iihaw sa kabilang bahay. Kagaya nung unang kita ko sa kanya, naka-sleeveless pa rin siya at naka-mini shorts. Nakatali pataas ang buhok nito at busy sa pagbibilang ng pera.
"... At si Jolas. Oy, Alex! Nakikinig ka ba?"
I blinked my eyes twice and awkwardly smiled to them. "Oh, sorry."
"Hahaha! Maupo ka na nga lang," alok ni Bruno kaya umupo ako sa katabi niya. Inabutan niya ako ng shot glass. Nagtaka ako. Bakit kulay orange ang inumin nila.
"Ano 'to?"
"Orange juice na may halong Gin!"
What the fvck? Pwede ba yun?
"Ano'ng lasa nito?"
Nagtawanan silang lahat. Napatingin ako dun sa pulutan nila. Puro maliliit na junkfoods.
"Masarap yan! Tikman mo na."
Nasarapan nga ako. Hindi ko na namamalayan na nakakailang shot na ako. Yun nga lang, wala namang tama sa akin. Alam ko sa sarili ko tuwing may tama na ako. Medyo inaantok lang... Pero, malinaw pa rin naman ang paningin ko. Halos isang oras na pala kaming nag-iinuman.
"Shet! Wala na. Ubos na. Bitin! Manang, isa pa ngang gin. Palista nalang!"
"Utang ka ng utang! Haba na ng listahan mo!"
At nagtawanan na naman sila. Kakaiba. Ngayon lang ako nakakita ng ganito. I mean, everybody is still awake even it's already late. 11PM na.
"Badtrip si Manang!"
Nang marinig ko yung reklamo ni Bruno at ng mga kasama niya, nilabas ko ang wallet ko at kumuha ng 500 bill. Saka ko ito inabot kay Bruno.
"Oh, ano'ng gagawin ko sa perang 'to?"
Tumango ako, signal na tumayo na siya. "Pulutan at maiinom. Ayos na ba yan?"
"AYOS NA AYOS!"
"Bigtime si Alex hahaha!"

Habang hinihintay namin na makabalik si Bruno kasama ng dalawa niyang kasama sa pagbili ng maiinom, tinignan ko ulit ang pwesto nila Yasmin. Tuloy-tuloy pa rin ang pag-iihaw niya. Gabing-gabi na. Bakit 'di pa siya natutulog? Dapat niyang pagpahingahin na ang mga mata niya.
"Type mo?"
"Huh?" Napatingin ako sa nagsalita. Nasa harapan ko siya at nakatingin din kay Yasmin. Isa siya sa mga kainuman namin.
"Si Yasmin yan. Disi-nuebe na. College na yan eh."
Hindi nalang ako kumibo. Hindi naman ako nagtatanong pero inaamin ko, interesado ako sa sinasabi niya.
"Maganda siya. Yun nga lang, astang-lalaki."
"Saan siya nag-aaral?" Natanong ko nalang.
"Hindi ko alam eh. Hindi naman kasi nag-uuniform yan si Yasmin," ngumiti siya sa akin ng mapang-asar kaya bigla akong nakaramdam ng pagkapahiya sa itinanong ko. "Type mo si Yasmin?"
"Hindi ah," diretsong sagot ko.
"Ba't interesado ka sa kanya?"
Iniling ko ang ulo ko. "Interesado ako sa kanya pero hindi dahil sa iniisip mo. Kaibigan siya ng girlfriend kong..."
I immediately shook my head and smiled faintly at the thought. Ayoko talagang nababanggit ang salitang yun. Para sa akin, buhay pa rin siya.
"Girlfriend mong...?"
"Never mind."
Maya-maya lang ay dumating na sina Bruno na may dala-dalang hard beverage. Yun nga lang, hindi sila nakabili ng pulutan. Napatingin na naman ako sa pwesto nila Yasmin. Gusto ko siyang makita ng malapitan pero... sh*t, bahala na.
"Dun nalang kaya tayo bumili?"
Sinundan nila ng tingin ang tinitignan ko.
"Oo nga. Kay Yasmin nalang. Tara!" Hindi ko alam kung ba't ako sapilitang itinayo ni Bruno. Pero nung makita ko ang mapang-asar na ngiti niya, parang alam ko na ang kung anumang itinatakbo ng utak niya. "Mas maganda siya sa malapitan," bulong niya habang hinihila niya ako palapit sa pwesto nila.
'It's not what you think', yan ang gustong-gusto kong sabihin, pero bahala na. Nandito na rin naman ako, might as well, do this.
"Yasmeng!"
"Bruno, uutang ka na naman??!!"
"Grabe ka naman... May pera ako ngayon. Bigyan mo nga kami ng... BBQ, isaw, hotdog, betamax.. Basta, lahat ng klase!"
Napatulala nalang ako habang tinititigan siya. Nah, she's not who I'm staring at. I'm staring at her eyes perhaps. Automatikong kumabog ang dibdib ko. Nanlamig ako nang dumapo ang tingin niya sa akin.
... I never thought that I'll still be able to see those sweet set of eyes again after 6 years.
"Tinitingin-tingin mo dyan?"
Natigilan ako nang pagtaasan niya ako ng kilay. Tama nga sila, maangas siya.
"W-wala."
"Sino yan, Bruno?" Tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa habang nag-iihaw.
"Yasmeng naman, bisita ko yan," sagot nito sabay pasimple niya akong siniko. "Alex, si Yasmin. Yasmin, si Alex."
I pulled my guts together as I held out my hand to her. "Hi..."
"Tch."
Hindi niya inabot ang kamay ko kaya ibinaba ko nalang ito. Fine, I understand. She's not that friendly.
"Pagpasensyahan mo na 'yan. Suplada eh," bulong ulit sa akin ni Bruno at tumango nalang ako.
Pagkaabot sa amin ni Yasmin ng mga inorder namin, binayaran na agad ito ni Bruno. Hindi pa man kami tuluyang nakakabalik sa tapat ng sari-sari store, may narinig na kaming malakas na lagabag.

"Tsong!! 'Wag po!"
"'Wag nang matigas ang ulo. Amin na ang mga kinita mo!! Hinihintay pa ako ng mga ka-tong-its ko dun!"

Nakita ko kung paano maltratuhin si Yasmin ng isang matandang lalaki. Sa palagay ko, lasing pa ito dahil may hawak itong isang bote ng beer. Pilit niyang kinukuha ang body bag ni Yasmin, pero iniiiwas niya ito.

PAAAAK!

"Sh*t," nasambit ko nalang ng mahina nang makita siyang pinagbuhatan ng kamay. Aawatin ko na sana sila nang...
"Alex, 'wag ka nang makialam. Hayaan mo na yan," pigil sa akin ni Bruno.
"Hahayaan niyo nalang bang may makita kayong sinasaktan na babae sa harapan n'yo?"
Umiling siya at bumuntong-hininga. "Magkakagulo lang. Sanay na yan si Yasmin. 'Di niya kailangan ng tulong natin..."

Muli kong tinignan ang pwesto ni Yasmin. The old man left her devastated. Hindi ko alam kung bakit, pero nagtaka ako.


... Ang mga matang yun, ba't 'di man lang lumuha? Hindi ba siya nasaktan?
 




One Sweet Glimpse (Season 1&2: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon