-24-

94.6K 2.4K 117
                                    


***24***


Lumipas ilang linggo pero nakaconfine pa rin si Fatima dito sa Hospital. Ano na ba ngayon? Last day of August na pero parang hindi nag-iimprove ang health condition ni Fatima. Kinukumbulsyon siya tuwing gabi, ubo naman ng ubo sa araw. Oh God, pagalingin niyo naman siya. Hirap na hirap na akong nakikita siyang hinihika.


"Acck! Acck! Acck!"

Tumayo agad ako mula sa pagkakaupo ko sa couch saka ko siya nilapitan. "Fatima, huwag mong lunukin. Iluwa mo."

Daig ko pa ang mga magulang ni Fatima sa pagpapaalala na huwag lulunukin ang plema niya. Yun kasi ang cause ng pagpuno ng bacteria sa lungs niya. The least thing I can do is to remind her to spit it out.

"I know, I know... Thank you..." Sabi niya tapos humiga na siya ulit. Bumalik naman ako sa couch para mag-resume sa paggawa ng project ko sa Economics. Supposedly, by two's itong project na ito pero sabi ko magsosolo nalang ako. Kaya ko naman eh.

"Alex," napahinto ako sa pagtatype nang tawagin niya ako. Unlike before, she has now a very weak and hoarse voice. Tila ba araw-araw, nanghihina siya. I mentally shook my head to dismiss my thought. Malakas si Fatima. She can surpass this.

"Do you need something?"

"Kamusta na ang pag-aaral mo?" Huminga muna siya ng malalim, "Namimiss ko nang pumasok."

Hindi ko maiwasan na huwag maawa sa girlfriend ko. Almost two months ay nandito lang siya sa hospital. Sa palagay ko, nabobore na siya dito. Nilapitan ko ulit siya at umupo sa gilid ng kama niya. Hinaplos ko ang mga pisngi niya. Mas lalo pa itong pumutla kesa noon.

"Pagaling ka ng mabuti, Fatima. Kahit na mauuna akong gagraduate sayo, hihintayin pa rin kita. Sabay tayong magka-college ha?" I showed to her my hopeful smile. She had to drop out of school because of her health condition. "Siguro, magte-take up nalang ako ng nursing para maalagaan kita."

Napaiwas naman siya ng tingin sa akin at nagcross arms pa. "Huwag kang ganyan. Dapat kunin mo yung course na gustong-gusto mo."

"Sure sure..."

Nabigla ako nang yakapin niya ako ng mahigpit. Napapansin ko, these past few days nagiging sobrang lambing niya na sa akin. Yung tipong bigla nalang nangyayakap o nanghahalik sa pisngi o 'di kaya sa baba ko nang wala man lang pasabi.

"Fatima, nangyayakap ka naman dyan bigla." Niyakap ko na siya pabalik. A type of hug where she can feel sanity.

"Alex..."

"Hmmm...?"

"Let's break up..."

My mind went blank after hearing that from her. Break-up?

"Fatima, ano ba yang pinagsasasabi mo? Look at me," sinubukan kong kumalas sa yakap namin para tignan siya sa mga mata niya pero hindi ko yun nagawa dahil hinigpitan niya pa lalo ang yakap niya sa akin.

I felt some hot liquids on my shoulders. Nabasa na ng luha niya ang shirt ko.

"Fatima... What's wrong?"

"M...Maghiwalay na tayo, Alex."

Binaon ko ang mukha ko sa balikat niya. Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib... kaba, takot, pangamba at sakit. Halo-halo na ang nararamdaman ko.

"F-Fatima, don't joke around. Hindi ka nakakatuwa..."

She sniffed against my shoulder and felt her caressing my back up and down, "Hindi ako nagbibiro. Maghiwalay nalang tayo..."

One Sweet Glimpse (Season 1&2: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon