-8-

153K 3.5K 485
                                    

***8***

1 month, off-switch. Binigyan ko si Fatima ng isang buwan para mag-explore ng mga bagay-bagay mag-isa. Pero sa nagdaan na isang lingo, parang nagsisi na ako kung bat ko pa siya binigyan ng ganun. Bakit? Ito lang naman ang nangyari sa isang buong Linggo.

Monday. Pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom ay naabutan kong nasa sariling upuan na niya si Fatima. Nagsusulat siya sa kanyang notebook kaya hindi niya napansin ang pag-upo ko sa arm chair sa tabi niya. Napatingin siya sa akin saglit saka siya ngumiti. Tinanguan ko lang siya bilang pagsagot pagkatapos ay tahimik na bumalik na siya sa pagsusulat niya. Nakakapanibago pero ayos lang. Para sa kanya naman yun eh.

Lumipas ang ilang subjects ay ganun lang ang scenario namin ni Fatima. Magtitinginan lang saglit saka iiwas din. Wala ng imikan.

 "Reporting tayo. Pick your partner. At kapag nakahanap na kayo ng partner niyo ay lumapit kayo sa akin at bubunot kayo ng topic niyo sa bowl na ito," sabi ng teacher namin sa Biology  habang hinahalo ang bowl na hawak niya.  Ilang subjects na rin ang nakalipas at pagkatapos ng subject na ito ay recess na.

Napansin ko na kanya-kanya na ng hanap ang mga classmates ko ng partners nila. Napatingin ako kay Fatima at akmang kakausapin na siya nang maalala kong off switch nga pala kami. Tsk. Nasanay na kasi akong siya ang partner ko sa mga ganito.

She looked to me while biting her lower lip. Dahil kilala ko na ang mga ganung tingin ni Fatima ay alam ko na kung anong ibig sabihin niya dun. On how she looked at me, she's asking if I could be her partner kaya umiling ako sa kanya.

"Make your move now, Fatima. You can do it..." I encouraged her.

She looked around our classroom, seems like searching for somebody. Tumayo siya at mabagal na naglakad papunta sa second row kung saan maraming girls. Napangiti nalang ako nang makita ko siyang kinausap yung mga kaklase kong babae. Halata pa siyang nahihiya. Pfft! Sa una lang yan tahimik pero 'pag nagtagal na dadaldalin na kayo niyan.

Nagulat ako nang may biglang kumalabit sa balikat ko. Pagkalingon ko si Toffer pala. "Alex, tayo nalang ang partner. Ayoko sa mga kumag na yun eh. Ang gugulo kausap..."

I nodded lazily and signaled him to sit on Fatima's vacant chair beside me. Umupo naman siya dun, "T-teka, himala yata at hindi kayo masyadong nag-uusap ngayon ni Fatima babes. At halata pang hindi kayo magkapartner..."

"Don't call her 'Fatima babes.' Ang laswa lang, dude." I answered boredly while watching Fatima talking with her new buddies. Mukhang maayos naman sila. "Off-switch kasi kami."

"Off-switch???" He exclaimed surprisingly kaya kunot-noong tinignan ko siya. OA eh. "Yung totoo? Kayo na ba?"

"Eh ikaw, g@go ka ba? Inamo pala eh," Iritado kong sabi sa kanya.

 "Alexander, para kayong nag-cool off eh. Para saan ba yang off-switch niyong yan?" Tanong niya habang ipinapatong ang dalawang paa niya sa kaharap na bakanteng arm chair sa harapan niya.

"Para sa buhay ng nanay at tatay mo..." Pambabara ko sa kanya.

"Ha? Anong kinalaman ng magulang ko dyan?" Nagtatakang tanong niya. Slow din itong mama's boy na 'to eh.

"Itanong mo sa ina mong nagmamahal sayo."

"Luh! Bat naman kay Mama? Bat 'di nalang kay Papa? Teka, huwag mong agrabyaduhin ang ina ko. Gusto mo agrabyaduhin ko rin ang ina mo? Walang yurakan ng pagkatao. Mahal ko ang nanay ko, kaya mahalin mo rin ang nanay mo. Huwag mong dinadamay ang nanay ko sa off switch niyo ah." Inis niyang sabi.

"Eh ikaw pala magulo kausap eh. Napaghahalataang Mama's boy ka. Alam mo ba yung namimilosopo? Ako yun eh. Slow mo, g*go."

"Oy, anong nangyayari sa inyo dyan?" Pansin sa amin ni Kurt na nasa likuran namin.

One Sweet Glimpse (Season 1&2: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon