-24- Red Velvet Box

80.3K 2.3K 173
                                    

***24***

Iniisip ko pa lang na aalis siya ay hindi ko na kaya. Pakiramdam ko, bumalik ako sa mga panahong tuluyan akong iniwanan ni Fatima. Sobrang sakit. Ilang taon kong tiniis ang sakit na 'yon. Ngunit sa paglipas ng panahon, unti-unti rin 'yong nawala dahil sa pagdating ni Yasmin.

"You're alone."

I flinched a bit when I heard that deep voice infront of me. I looked up at him only to find out it's Kurt. I quickly put the red velvet box I was holding inside my pants pocket in panic that he might inquire about it. He sat next to me on the stoned bench and stared at me like a fool.

Nasa campus ako ngayon dahil may pasok. Submission na ng feasibility report namin pero nandito ako ngayon, nakatanga lang sa kawalan.

"How's the feasib going?" 

I sighed as I pulled my thoughts together. Nawawala na ako sa sarili. Buti na nga lang at sa Friday pa ang defense kundi siguradong lagapak ang finals ko nito. Gusto ko pa namang grumaduate sa tamang panahon.

"Ayos naman," I answered coldly.

"How about you? Are you okay?" he asked and I did not give an answer. Hindi ako okay. At hindi ako magiging okay hangga't hindi naaayos ang problema ko. 

"You don't look fine to me," he said seriously that made me turn to look at him. "Is it something serious? Ngayon lang kitang nakitang ganyan."

"Don't worry about me."

He shook his head in disbelief. "I am not used to it. Shouldn't I be the one to stare out of nowhere and not you?"

Hindi ko alam pero napangiti nalang ako sa sinabi niya. Kung sabagay, tama siya. Siya ang madalas na nakikita kong nakaupo rito at tulala dati. Mukhang nabaligtad yata kami ngayon.

"May problema din kasi ako gaya mo."

Umayos siya ng upo at pinagmasdan ang tinititigan kong soccerfield. "Whatever it is, I know you will get through it. As you had said to me before, you have to focus on other things for awhile to free yourself from stress."

Tinignan ko siya. May maliit na ngiting nakasibol sa mga labi niya nang sinabi niya 'yon.

"Isn't it weird? I'm telling you the stuff you adviced me before. Well, I know, you might need it too. My bad, if you don't."

I can't help but to be amused towards him. Knowing Kurt, he's a bad arse jerk you don't want to get along with. Pero nag-iba na siya ngayon. Hindi ko alam kung dahil sa amnesia o dahil sa pinagdadaanan niya. Either way, I'm glad about his improvement.

"What's with the smile?" he asked annoyingly.

"Wala. Nirecord ko sana yung sinabi mo para may maiparinig ako sayo kapag dumating na yung araw na bumalik na ang mga alaala mo."

I did not expect his reaction on my joke. It's as if I had hit a sensitive part of him. I was about to say my apologies when he cracked a chuckle.

"Hindi ko na inaasahan na bumalik pa ang mga alaala ko. Kung may gusto man akong bumalik sa buhay ko, yun ay si Crystal lang."

I could feel his pain everything he talks about Gail. Isa lang naman ang pinanghihinayangan niya at iyon ay ang baliwalain niya ang babaeng mahal niya.

Regrets...

I don't want to have regrets in my life right now. As long as there's still a chance to get what I want, I have to do it by hook or by crook.

The day went by so slow. Sobrang bagal ng oras para sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba naiinip lang ako o sadyang wala lang ako sa mood pero nakahinga na ako ng maluwag nang tuluyan nang magdismiss na ang professor namin sa Humanities.

One Sweet Glimpse (Season 1&2: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon