-8- Share A Room

76.5K 2.4K 290
                                    

***8*** SHARE A ROOM

"Nandito na tayo," anunsyo ko pagkapasok na pagkapasok ko ng kotse sa gate ng Eugenio's Residence. Narinig ko pang pumalakpak at humagikhik si Carlene, at automatiko namang napadako ang tingin ko kay Yasmin sa rear-view mirror. Nakasimangot siya habang nakadungaw sa bintana ng kotse.

At last, we finally arrived after almost 3 hours of trip. Traffic din kasi sa may bandang Cavite kaya medyo natagalan kami.

"Yay, ang ganda naman dito!" energetic na sabi ni Carlene habang ina-unbuckle ang seatbelt niya.

I quickly unbuckled mine too and turned off the engine. "Wait," I murmured before I stepped out of the car. Bago ko man pagbuksan ng pinto si Carlene sa passenger's side ay inuna ko muna si Yasmin sa backseat. Padabog naman siyang lumabas at halatang badtrip pa rin.

"Kaya ko naman. 'Yang bisita mo nalang ang pagsilbihan mo," asik niya sa akin sabay irap pa.

"Mag-uusap tayo mamaya," mahinang sabi ko at patakbong pinuntahan si Carlene sa kabilang side ng kotse para pagbuksan siya.

Lumabas naman agad siya nang nakangiti, hindi gaya ni Yasmin na nakasimangot pa rin. "Ang ganda-ganda dito. So refreshing!"

"Alex!"

Nilingon namin ang tumawag sa pangalan ko, at abot sa tenga ang ngiti ko nang makita sina Tita Janice at Tito Larry na palabas ng bahay; ang mga magulang ng girlfriend ko.

"Tita..."

Tita Janice welcomed me with a big hug like she always does whenever I came by. Sa paglipas ng panahon, tinuturing na nila akong anak at sila naman ay magulang para sa akin. "Buti naman nakarating na kayo. Kamusta?"

"Okay naman po. By the way, I'm with--" humiwalay ako sa yakap saka ko binalingan si Yasmin sa kaliwa ko, "-- Yasmin Jacinto..." Binigyang diin ko ang pangalan niya.

Hindi na ako nagtaka nang mapatulala si Tita Janice kay Yasmin. It took up a few seconds before she recovered. There was a dead air between them. Parang katulad lang nung reaksyon ko noong una kong makita si Yasmin.

"... Oh! Siya ba? H...hi, Yasmin. Nice to finally meet you!" Nilapitan niya si Yasmin at binigyan siya ng yakap. It wasn't a simple hug that's why Yasmin turned to me looking so puzzled. "Sorry," sabi ni Tita bago siya humiwalay. "Enjoy your stay here, hija."

"Salamat po. Nakakahiya naman po kasi dinamay lang ako ni--"

"No! Don't be shy. Feel at home lang, Yasmin!" Tita Janice laughed awkwardly. Nakikita ko pa ang pangingilid ng mga luha niya, kaya naman agad siyang inalalayan ni Tito Larry.

Yasmin beamed a little, more likely confused. "Thanks po."

"Tara, Yasmin. Ihahatid kita sa kwarto mo." Hinila niya sa kamay si Yasmin at akmang papasok na nang maramdaman kong humawak si Carlene sa braso ko. Sh1t, nakalimutan kong kasama nga pala namin siya.

"Uh, Tita!"

Huminto silang dalawa at nilingon kami. "Si Carlene nga po pala, kaibigan namin."

Napasinghap siya, tila'y nagulat. "Hello, Carlene. Naku, dalawa pala ang kasama mo, Alex. Paano yan, dalawa lang ang guestrooms?"

"Lalaki naman ako, Tita. Ayos na po ako sa sala."

Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit sa braso ko ni Carlene kaya tinignan ko siya. "Tita, okay lang pong magshare kami ng room ni Yasmin."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. What the fvck? Hindi pwede. Kanina pa nga lang sa kotse ay bwsit na bwsit na sa kanya si Yasmin, sa iisang kwarto pa kaya?

One Sweet Glimpse (Season 1&2: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon