-19- Her Secrets

65.8K 2.2K 585
                                    

***19*** Her Secrets

"Anong ginawa mo dito? Naku, magagalit na naman nito si Yasmeng," nagpapanic na sabi sa akin ni Bruno.

Pumunta ako sa lugar nila kinabukasan. Hindi ako mapakali. Hindi ako makatulog kagabi sa kakaisip ng dahilan kung bakit nagagalit sa akin Yasmin. Ano bang nagawa ko?

"Gusto ko siyang kausapin. Hanggang kailangan ba siya magtatago sa akin?" Nag-iinit na ang ulo ko pero pinipilit ko pa ring maging kalma. You won't like it when I'm mad. Hindi biro ang temper ng isang Alexander de Silva.

Lalagpasan ko na sana si Bruno nang harangan niya ako't itinulak sa dibdib. Didiretso na sana ako sa bahay nila nang makasalubong ko siya sa daan, at eto siya ngayon, pinipigilan ako.

"Ano bang problema? Ba't ba kayo nagkakaganyan?!" I asked darkly.

Huminga siya ng malalim at napakamot nalang sa ulo niya. "Pasensya na talaga. 'Yun ang bilin sa akin ni Yas--"

"Pagkatapos ng lahat, iiwanan niya lang ako?! I am fvcking worried, Bruno. Why don't you let me see her?!!" I've reached my limit. My temper rose up. Naikuyom ko ang mga kamay ko kasabay ng pag-igting ng panga ko. "Pakiusap. Kailangan ko siyang makausap."

Kahit labag sa kalooban niya ay tumango siya sa akin at sinamahan ako sa bahay. Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid pero wala akong pakielam. Huminto si Bruno nang makarating na kami sa tapat ng bahay nila saka ito humarap sa akin.

"Hindi ko naman gustong itago sayo si Yasmin. Siya ang humingi ng pabor sa akin na ayaw niyang humarap sa kahit sino. Ikaw na mismo ang umalam ng dahilan niya. Ayokong makielam," seryosong sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto.

Hindi ito ang unang beses na nagpunta ako sa bahay nila. Walang pinagkaiba. Maliit pa rin katulad ng dati. Bumungad agad sa mga mata ko si Yasmin na nakatalikod sa direksyon ko. Nakasuot siya ng bestida habang nagluluto  sa kusina. Napahinga ako nang maluwag nang makita maayos siya. Wala siyang sakit.

Tinanguan ako ni Bruno bilang signal sa akin na lalabas muna siya. May sinenyasan pa siya sa likod ko kaya napalingon ako. Nakaupo pala dun ang kapatid niyang bakla.

"Okay," sagot nito at tumayo na. Palabas na sana sila nang magsalita si Yasmin. Parang binayo ang dibdib ko sa kaba pagkarinig ko pa lang sa boses niya.

"Mag-almusal na tayo. Nakabili na ba si Bruno ng pandesal?" tanong nito nang 'di man lang lumilingon. "Bakla!" tawag pa niya.

Walang umimik kahit isa sa amin. Ramdam ko ang tensyon sa paligid. Halos huminto ang hininga ko nang lingunin ni Yasmin ang direksyon ko.

"Tara--"

Naputol ang sana'y sasabihin niya't naibagsak ang hawak-hawak na kutsara nang makita ako. "Anong ginagawa mo dito?" halos pabulong na tanong niya. "Bruno, anong ginagawa niyan dito?!"

"Yasmin, let's talk."

"Nakapagpasalamat na ako sayo diba? Wala na tayong dapat pag-usapan," seryosong sambit niya saka siya tumalikod. "Pwede ka nang umalis."

Sinenyasan ko ang magkapatid na iwanan muna kami. Pagkasarado pa lang ng pinto ay halos mabingi na ako sa kaba sa dibdib ko. Ang dami kong gustong sabihin sa kanya pero hindi ko alam kung saan magsisimula.

Humarap siya't naningkit ang mga mata nang magtama ang mga paningin. Marahil akala niya ay nakaalis na ako.

"Kailangan nating mag-usap."

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Umatras naman siya ng isang hakbang kaya napahinto ako. Naguguluhan ako. Bakit ba siya nagkakaganyan? "What's wrong? May ginawa ba akong mali kaya ka nagagalit sa akin ng ganyan? C'mon, tell me, Yasmin. Wala akong matandaan."

One Sweet Glimpse (Season 1&2: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon