-23-

97.7K 2.5K 195
                                    

***23***

For the nth time, I stared at my girlfriend's peaceful face. Kahapon ko pa siya na isugod dito sa ospital pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagigising. Ipinadaan ko ang hintuturo ko sa pilik-mata, sa ilong at pababa sa mga labi niya. Hindi na ito kagaya noon na mapupula. It is now pale and dry.

I sighed, "Ano na naman ba ang nangyari sayo, Fatima? I thought you've recovered already."

Pinagtuunan ko naman ng pansin ang mga maliliit na daliri niya. Napapangiti nalang ako kapag ginagawa ito sa kanya. Lagi ko kasing pinagdidikit ang mga palad namin. Her hand fits mine well.

Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa maamong mukha niya. Kahit pa siguro titigan ko siya ng ilang taon dito, hinding-hindi ako magsasawa sa pagtitig sa mala-anghel na mukha niya. Pero mas maganda siyang titigan kapag gising siya. So that I can be able to see her beautiful set of eyes. Siya kasi ang tipo ng tao na kahit hindi niya sabihin kung anong nararamdaman niya, malalaman mo pa rin ito sa pamamagitan ng pagtitig sa mga mata niya.

Narinig ko nalang bigla na tumunog ang phone ko. I immediately fished it out from my pant's pocket and looked at its screen. Hindi na ako nagulat nang makitang si Dad ang tumatawag.

I took a deep breath before pressing the answer key.

"Dad?"

["Where are you right now, Alexander? Hindi ka umuwi kahapon. Hindi ka man lang tumawag."]

Napahilot ako sa sentido ko at marahan na pinikit ang mga mata ko. Ang sakit ng ulo ko dahil sa puyat. Ilang araw na kasi akong hindi makatulog kakaisip kay Fatima. And now, here we go again, Fatima's ill for the nth time.

"Sorry, Dad. I couldn't be able to call you yesterday. Natataranta ako. I'm now here in the hospital. Fatima was rushed here yesterday."

I heard him sigh on the other line, ["Okay, I understand. We'll try to drop by there if we have time later."]

"T-thanks, Dad."

Sinabi ko rin kay Dad na uuwi rin ako mamaya saglit to take a bath tapos ay babalik rin agad ako dito. Sa mga ganitong sitwasyon, ayaw na ayaw kong iiwanan si Fatima kahit saglit. I've stayed with her when she was ill last summer. Alam na alam ko kung gaano siya naghirap noon, at ayaw ko na yun maulit sa kanya ngayon.

Maya-maya lang ay narinig kong bumukas ang pinto sa likuran ko. Hindi pa man ako nakakalingon ay narinig ko na ang boses ni Tito Larry.

"Alex, come with me."

Tumayo naman ako at hinarap siya, "Saan po, Tito?"

"Mas mabuti na kasama ka namin sa pag-alam ng kalagayan ni Fatima."

Dun ko lang napansin na blangko ang expression ng mukha niya. Nakaramdam ako ng mas matinding kaba. Sa totoo lang, tuwing nandito kami sa ospital, automatikong lumalakas na ang kaba sa dibdib ko. Para bang sumisikip ang pakiramdam ko.

Sumundo na rin naman ako sa kanya sa paglabas ng kwarto. Nakita ko kaagad sa labas sa tapat ng kwarto ang Doctor na nakaassign kay Fatima kasama si Tita Janice.

Seeing the doctor's expression made me feel so anxious.

"Kamusta na ang anak namin, 'doc?" Si Tito Larry na ang nagtanong sa kanya.

I was literally holding my breath as I waited for the doctor to speak.

"Based on her X-ray result," parang déjà vu na nilabas nito ang X-ray result mula sa puting envelope. I swallowed very hard as I analyzed the X-ray result myself. Panigurado, masamang balita ang sasabihin sa amin ng doctor dahil nakita kong maraming puti dito. "As you can see, marami ng bacteria ang right and left lung ni Fatima. Kung mapapansin niyo, yung left lung, puno na ng puti iyon samantalang ang right lung naman niya, malapit na rin mapuno ng puti. At yung puti na yun ay yung plema na hindi niya mailabas. In that case, yung bronchules niya ay nahihirapan na mag-entertain ng air. Dahil na rin sa may asthma ang pasyente at mahina rin ang puso niya, hindi na niya kinaya that's why she passed out. Na-cardiac arrest siya kahapon."

One Sweet Glimpse (Season 1&2: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon