Special Chapter: FATIMA GRACE'S POV

4.2K 221 85
                                    

Author's Note: Happy 10th anniversary to me as a Wattpad writer! Sana ay magustuhan ninyo ang gift ko para sa inyo. Alam kong hindi ito ang nanalo sa poll ko sa IG story nung nagtanong ako kung anong story ko ang gusto niyong magkaroon ng special chapter pero hindi ko kayo matiis, e! Malakas kayo sa akin.

Let's recall Fatima's precious moments through this special chapter. Ang parteng ito ay eksklusibo lamang para sa mga bumili ng OSG self-pubbed version pero dahil sampung taon na ako sa Wattpad ay naisipan kong i-share na sa inyo ito dito. Enjoy reading, Yhelsters! :)



***



Bata palang ako ay alam ko na ang dahilan kung bakit ako pinangalanan ng parents ko ng Fatima Grace. Tunog banal, 'no? Ilang taon na raw kasing married sina Mom at Dad noon pero hindi pa sila binibiyayaan ng anak. Halos sumuko na nga raw sila. Then they found out na na kay Mom ang problema ngunit hindi sila sumuko at dinaan ang lahat sa pagdarasal. A few months later, my Mom collapsed while praying in the church. Wala noon si Dad dahil nasa trabaho raw ito. Kaya naman nang malaman ni Dad ang nangyari ay nataranta raw siyang nagpunta sa ospital. Sobrang nag-alala si Dad sa nangyari kay Mom. Hindi siya mapakali dahil sa tensyong nararamdaman. Akala nga nila ay may seryosong sakit si Mommy eh kaya ang OA ni Dad noon sa ospital. Ngunit nang malaman nila ang totoong dahilan ay halos magpa-party daw ang parents ko sa ospital.

My Mom was pregnant with me.

Simula noon ay triple na ang pag-aalaga ni Dad kay Mom. Ni hindi na nga raw hinahayaan na kumilos si Mommy at nag-hire nalang ng kasambahay na para sa gano'n ay may makakasama kami sa tuwing may business trip si Dad. My Mom was treated like a real queen and even though I was still inside my mother's womb, they let me feel like a real princess. Para sa kanila ay isa akong malaking grasya na ipinagkaloob ng Maykapal sa kanila. So, I was named after the church where my Mom used to go to— Fatima and Grace— because I was the most amazing grace they've had ever received in their lives.

Isang araw, wala si Dad pero kasama naman ni Mom si Yaya Ana sa bahay. Eight months pregnant daw si Mommy noon sa akin nang makaramdam siya ng matinding pananakit sa kanyang tyan. Sobrang sakit na para bang binibiyak ang buong pagkatao niya. . . hanggang sa pumutok daw ang kanyang panubigan.

I came out of this world. Hindi nga lang daw right timing dahil isa akong pre-mature baby.

Sa tuwing kinukwento sa akin iyon nina Mommy at Daddy ay nai-speechless nalang ako. Mixed emotions kumbaga. It made me feel sad dahil bata pa lang ako ay muntikan na pala akong mamatay and at the same time, nao-overwhelm din dahil hinayaan pa ako ng Panginoon na mabuhay ng ilang taon.

Mahirap lumaking hindi katulad ng ibang normal na bata. Sinusubukan kong lumaban kahit mahirap. Dinadaan ko lamang sa ngiti ang lahat ng sakit. But life's like that. Sabi nga ng iba, 'life is so unfair'. Oo nga naman. Bakit sa lahat ng milyon-milyong tao sa mundo ay ako pa ang binigyan ng mahinang katawan? Bata pa lamang ako ay binigyan na agad ako ng sakit. Wala pa akong isang taong gulang ay pabalik-balik na ako sa ospital. Ganun pa man, ni minsan


hindi ko iniisip na unfair ang buhay dahil sabi nga nina Mom at Dad; God never moves without a purpose or plan...

One Sweet Glimpse (Season 1&2: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon