-16-

156K 3.1K 150
                                    

***16***

Weeks passed by, walang date na naganap sa amin ni Fatima. Naging busy kasi kami sa school. Hindi naman ako gaanong naging busy kasi wala naman akong sinalihan na school clubs. Pero si Fatima? Kasali siya sa 5 clubs kaya naman sobrang naging busy siya. Idagdag na rin ang mga projects at ang examination week kaya nawalan kami ng pagkakataon na makapagdate ng weekend.

August 26th. Today is the day of our first date. Sabado ngayon at sinigurado kong free day ngayon ni Fatima. Besides, last week ko pa pinagpaalam si Fatima na magdedate kami ngayong araw. Sakto pa na one month na kaming magkarelasyon ni Fatima ngayon. Ang bilis ng araw, parang kailan lang nililigawan ko pa si Fatima.

Nagsuot lang ako ng plain white shirt, blue cardigan, a pair of jeans and black shoes for my footwear. Inaayos-ayos ko pa ang buhok ko at nag-spray ng cologne sa buong katawan ko bago ako lumabas ng kwarto.

Pababa na sana ako ng staircase nang may makalimutan ako. "Shet, muntikan na." Bumalik ulit ako sa kwarto para kunin ang body bag ko. Nandun kasi nakalagay ang regalo ko kay Fatima.

Pababa na ako nang staircase nang makita kong nakaupo si Daddy sa pangatlong baitang nito. Lumingon siya sa akin nang mapansin niya ang presence ko. Nginitian niya lang ako.

"Dad, pinayagan ba talaga siya?" I asked as I went downstairs.

Tumayo siya at sinundan ako hanggang sa main door. "Oo, pinayagan siya."

"Really? How come?"

He smiled, "Sinigurado ko sa kanya na iuuwi mo siya at exactly 12 midnight at kasama mo pa ang personal bodyguards mo."

Nakakapagtaka. Buti pinayagan si Fatima hanggang alas dose? Sabi ko naman kasi kay Dad kahit hanggang 10PM lang, kaso mapilit siya eh. Hindi raw kami makakauwi ng 10PM dito sa dami raw ng gagawin namin. I know you're getting confused. Si Daddy kasi ang nagplano ng date namin ni Fatima. Sumasakay lang ako since I'm a pathetic boyfriend. Tss.

"Just don't do crazy stuffs, Alex ha? Huwag mo akong ipahiya kay Larry." Si Tito Larry ang daddy ni Fatima. I think, they're friends already.

"Yeah, dad. I know. You don't have to repeat that a hundred times on my face." Paulit-ulit nalang kasi. Nung isang araw niya pa ako pinapaalalahanan.

Tumawa lang siya saka niya tinapik ang balikat ko. "Enjoy your date, son. Do what I said, alright? "

While on the way to Fatima's house, kung ano-ano ang pumapasok sa utak ko. First date namin ito ni Fatima. I have to make sure na maging perfect date ito. Buti nalang talaga ay tinulungan ako ni Daddy. Nung una kasi ay naisip kong sa mall nalang kami magdate kaso umayaw si Daddy. He told me that it's so informal kung sa mall ko siya dadalhin. Napaka-typical daw kasi nun. Kaya ayun, tinulungan niya ako na magplano. At sa plano niyang iyon, talagang naexcite ako. For sure, maeenjoy namin ito.

Dumating ako sa bahay nila Fatima at exactly 8AM. Pinapasok agad ako ni Tita Janice hanggang sa living room at naabutan ko na nagbabasa si Tito Larry ng tabloid dun sa sofa bed nila.

"Good morning po, Tito." I greeted courteously.

Ngumiti siya sa akin. "Good morning, have a seat." Tinapik niya ang right side niya kaya umupo naman ako dun. "Would you like something to drink?"

I shook my head, "No, thanks."

Nakatingin lang siya sa akin habang nakangiti. Alam ko na kung saan namana ni Fatima ang mga magagandang mata niya. Sa Daddy niya. "Hindi ko sana papayagan si Fatima na makipagdate sayo."

Napalunok ako. Shet. This is dad's fault. Sino ba namang magulang ang papayagan na iuwi ng 12MN ng boyfriend ang nag-iisang anak nila? Tss. Pwede naman kasing 10PM. Dad is such a bad influence.

One Sweet Glimpse (Season 1&2: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon