-9- Favor

83.1K 2.3K 116
                                    

 

***9***

Tok! Tok! Tok!

"Alex!"

Sunod-sunod na pagkatok sa pinto ang nagpagising sa akin. Kahit na hindi ko pa kayang imulat ang mga mata ko ay natataranta akong bumangon para pagbuksan ang kung sinumang kumakatok. Tsk! Ayoko talaga sa lahat 'yung iniistorbo ako kapag natutulog ako. Panigurado badtrip na ako buong araw ngayon.

"Alex??"

Isa pang pagkatok at tuluyan ko nang binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Tita Janice kasama si Carlene, at dahil dun, para akong binuhasan ng malamig na tubig. Sh1t! Wala nga pala ako sa bahay.

"Tita, sorry. Kakagising ko lang po." Kumamot pa ako sa ulo ko at naging conscious sa sarili ko.

She waved her hand on me while she shook her head. "Ayos lang. Pasensya na kung naabala ka namin. Ano kasi eh, si Yasmin, nawawala raw."

She then glanced at Carlene on her side that was intently looking at me. Napaiwas tuloy ako ng tingin dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako disenteng tignan ngayon.

"Nawawala si Yasmin, Alex. Basta paggising ko, wala na siya sa tabi ko. Hinanap namin siya sa buong paligid pero wala siya," malamya niyang sabi.

Automatikong kumunot ang noo ko. Yasmin? That ring a bell on me. Automatikong napalingon ako sa kama kung saan mahimbing na natutulog ang babaeng naging dahilan kung bakit napuyat ako kagabi.

"Nandito ho siya," wala sa sariling sabi ko at naramdaman ko nalang na itinulak ni Tita Janice ang pinto para mabuksan ito ng bahagya. She took step forward as she looked at its direction. I glanced back at her to see her reaction and I was kind of felt like taking back what I've said. Bakas sa itsura niya ang pagkagulat, ganun din si Carlene.

Fvck, baka kung anong isipin nila.

"Bakit dyan siya natulog, Alex?" tanong ni Carlene.

Muli akong napakamot sa ulo ko saka ako nagkibit-balikat. "Pinuntahan niya ako dito kagabi. Hindi raw kasi siya makatulog sa kwarto niyo."

"At dito siya natulog? Pwede naman niya akong gisingin," pasubali niya.

"Nahihilo siya sa pabango mo."

"Hey, I took a shower last night. I did not use perfume or something. Lotion lang."

Iniling ko nalang ang ulo ko. Whatever Yasmin's reason was, I won't say it. Basta ang alam ko ay naiinis siya kay Yasmin. That's it. End of story.

"Hindi lang siguro siya sanay nang may katabi," sabi ko at sinadya kong balingan ang sofa kung saan ako natulog kaya naman ay napatingin din sila dun. "Sorry, Tita, kung napag-alala kayo ni Yasmin."

Tita Janice's face was blank. Well, I couldn't read her face. Nakatingin lang siya kay Yasmin sa kama bago niya ako tinignan ulit sabay buntong-hininga. Sigh of relief, I guess. "Okay. Akala ko kung napaano na ang batang 'yan. Sige, sumunod nalang kayo sa veranda for breakfast, Alex."

"Sure, thanks po. Good morning, by the way."

Tita Janice just smiled at me as her reply before she left. Naiwan si Carlene na makahulugang nakatingin sa akin. Tinaas ko ang dalawa kong kilay, tila ba'y tinatanong siya kung may kailangan pa ba siya.

She shook her head and beamed. "Tell her I don't snore, Alex."

As if on cue, we heard Yasmin snore. Sabay namin siyang tinignan at pagkatapos ay nagkatinginan kami ni Yasmin at natawa nalang. "Well, she does," I said.

One Sweet Glimpse (Season 1&2: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon