-20- Depression

73K 2.3K 304
                                    

A/N: Sorry for making you confused in the last chapter. Nagkamali ako ng type. 2 and 1/2 MONTHS pong buntis si Yasmin at hindi weeks. Hehe. Sarreh. Na-edit ko na rin naman. Buti may nagcomment. Lol. Di ko kasi naproof read yun bago iupdate e.

***20*** DEPRESSION

Walang katapusan na paglagok sa alak ang ginawa ko. Hindi ko na alintana ang mainit na pagguhit ng alak sa lalamunan ko. Sobrang sakit. Kung kailan mas lumalalim na ang nararamdaman ko para sa kanya ay nangyari pa ito. Tang1na.

"Alex, himala. What brought you-- hey, are you drinking?" Narinig ko ang boses ni Daddy mula sa likod. Gusto ko sana siyang lingunin pero unti-unti nang umiikot ang paningin ko. Hindi ko na kaya.

"Alex."

I went straight home. Hindi sa condo unit ko o sa kahit saan pa man. I'm feeling helpless and my parents are the only people I know who can console me in times like this.

"Dad." Nanghihinang tawag ko sa kanya. Sumubsob ako sa bar counter at ipinikit ang mga mata ko. Gusto kong lunurin ang sarili ko sa alak. Gusto kong makalimutan ang lahat ng nangyari ngayong araw. This is one hell of a bad day for me.

"Alex, anong problema?" Dad asked as I felt him tap my back carefully.

Marami. Marami akong problema...

"C'mon, Alex. I'm your father. You can rely on me."

Hindi ko alam kung dulot lamang ng alak ang nararamdaman ko ngayon pero kusang nag-init nalang ang mga sulok ng mata ko.

"Ang sakit. Sobrang sakit." Parang binibiyak ang puso ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon. "Are the Gods punishing me? Bakit lagi nalang ganito, Dad?"

Naramdaman ko ang pagtulo ng maliit na likido mula sa mga mata ko. Nag-angat ako ng ulo at marahas iyong pinunasan. "Ngayon ko nalang ulit 'to naramdaman para sa ibang babae pero--"

"Are you inlove with someone else now, Alexander?" tanong niya na siyang nagpabaling ng tingin ko sa kanya. Naikuyom ko ang mga palad ko at kusang napasuntok sa bar counter.

Hindi ako sumagot. Naalala ko na naman ang mga salitang sinabi sa akin ni Yasmin kanina.

"Buntis ako, Alex. Narinig mo ba ako? Buntis ako!"

Nag-igting ang panga ko sa galit. Alam kong wala akong karapatang magalit, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Paano niya 'to nagawa?

She broke my trust on her.

"Seems like it," sabi ni Daddy at mula sa gilid ng mga mata ko ay nagsalin siya ng alak sa rock glass niya. "Hindi ko alam kung anong dapat na reaskyon ko ngayong nalaman kong nakamove on ka na sa nangyari sa ex-girlfriend mo. Tell me about this girl you like, Alex. Could you?"

I took a deep breath as I stared at my Dad. He was waiting for my answer as he met my eyes. I trust my Dad next to anyone else. Kahit pa na hindi naging maayos ang relasyon namin noong bata pa ako ay naramdaman kong bumawi siya sa akin simula nang magkaayos kami.

"H...Her name's Yasmin," panimula ko. "And she got Fatima's very own eyes."

Napaawang ang bibig niya sa gulat pero mabilis din siyang nakabalik sa sarili. Sinalinan niya ako ng whiskey bago niya ako tinanguan ulit. "Go on."

"Kailan ko lang po nalaman 'yon at aksidente pa. When I found out about her, there was something that bugged me to help her. I got interested in her. Nasa kanya ang mga mata ni Fatima. Why wouldn't I be, right?"

She lived in a squatter area under the hands of her cruel step-father.

"I understand. How did you help her?

One Sweet Glimpse (Season 1&2: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon