-7- Sembreak

79.2K 2.3K 250
                                    

***7***

"Sem break na!!!"

Conscious akong tumingin sa paligid namin. Nagkita kami ni Yasmin sa tapat ng building nila at yun agad ang binungad niya sa akin kasabay ng pagdipa niya. Tsk tsk tsk! Iba talaga siya kung kumilos.

"Makakahinga na ako ng maluwag!!"

Nagsimula na akong maglakad kaya sinabayan niya na ako. Yakap-yakap niya ang kanyang mga mga libro habang nakangiti ng malawak. "Excited na akong pumunta sa Tagaytay. Bukas na diba? Alam mo bang 7 years old pa ako nung huli ako pumunta dun?"

Pinakinggan ko lang siya't hindi muna umimik. Kapag nagsasalita siya, ang gusto ko lang ay makinig.

"-- Naalala ko, may pinuntahan kami ni Mama sa Cavite nun tapos dumiretso kami sa Tagaytay. Dun sa Picnic Grove. Well, dun lang. Yun lang ang napuntahan ko."

"Kung ganun, dadalhin kita sa iba pang magagandang lugar dun."

Pumalakpak siya at naging 'skip' yung bawat hakbang niya. Pinagtitinginan tuloy kami ng bawat makakasalubong namin. Agaw pansin kasi ang exaggerating moves niya.

"Kasama ba dun ang pagzizip line? Boom panes!"

Napapailing nalang ako sa mga expressions niya. Siya si Yasmin, ano pa bang magagawa ko?

"Oo, dadalhin din kita dun."

Pagkarating namin sa tapat ng kotse ko ay pinagbuksan ko na siya. Mabilis akong nakasakay sa driver's seat, at habang nagsiseatbelt ako ay napansin kong nakatingin sa harapang direksyon si Yasmin.

"Nag-aaway yata yung dalawa oh."

Sinundan ko ng tingin ang tinutukoy niya. Nakita ko sina Carlene at Blue na mukhang nagtatalo nga sa harapan ng puting VIOS.

"Sabi sayo eh. Maghihiwalay din yan," she assumed that made me frowned.

"Don't talk like that," saway ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. Yung tipong parang sinasabing 'problema mo?'. "Maganda lang yan si Carlene pero peksman, masama ang ugali nyan."

Umiling nalang ako at ini-start ang kotse ko. Tama ba namang pag-usapan namin ang relasyon ng ibang tao?

"... Ang gusto kasi niya ay maraming lalaki ang magkagusto sa kanya."

Hindi ko nalang siya pinansin at pinaandar nalang ang kotse ko. Ayoko talaga sa lahat ay ang pag-usapan ang ibang tao kapag nakatalikod sila, dahil iyon ang pinakaayaw kong gawin ng iba sa akin.

Kinagabihan, pagkatapos naming kumain sa fastfood ni Yasmin ay hinatid ko na siya pauwi. Sinabihan ko siyang mag-empake na para sa pagpunta namin sa Tagaytay bukas. Habang nag-eempake ako ng mga damit ko ay nagvibrate ang cellphone sa ibabaw ng kama. I thought it was Yasmin but it turned out to be Carlene saying;

Carlene: Alex, can we talk? Gusto ko lang ng makakausap.

Matagal kong tinitigan ang message na iyon, pero sa huli ay napagpasyahan ko na hindi nalang yun replyan at bumalik nalang sa ginagawa ko. After a few minutes or so, it suddenly vibrated again. It was now a phone call.

I drew out a sigh and picked it up anyway. Baka nga may problema ang tao, pero bakit sa lahat ng kaibigan ay ako pa?

"Hello?"

["Alex..."]

Napaayos ako ng upo nang marinig ko ang hikbi niya. So, it was true. She's got a problem. "Carlene, are you okay?" Of course, she's not. Why the heck did I ask that anyway?

["Please, gusto ko lang ng makakausap."]

"I'm sorry pero bakit ako?"

[""Coz everyone knows that you're nice. Please?"]

One Sweet Glimpse (Season 1&2: Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon